Gabbi Garcia hinanap engagement ring kay Khalil Ramos

Aminado si Gabbi Garcia na nalulungkot siya sa paglabas niya sa ‘Bahay ni Kuya’.

Aniya, nagkaroon daw siya ng separation anxiety dahil sa naging attachment niya sa mga kasamahan niya sa PBB Collab edition even for a short stint.

Bilang guest housemate, mami-miss daw niya ang mga ganap sa nasabing reality show ng tunay na buhay.

Inamin din niya na noong nasa loob siya ng bahay ay marami siyang hamong hinarap.

Isa na raw dito iyong pagbabawal na kontakin ang kanyang pamilya at dyowa pero hindi raw naman siya nag-alala dahil secure naman daw siya sa boyfie niyang si Khalil Ramos.

Sa tsikahan nila ni Boy Abunda sa Fast Talk, naikuwento niyang eight years na silang magdyowa ng Kapuso actor.

Kaya raw nagtatagal ang kanilang relasyon ay dahil best of friends sila ni Khalil at hinahayaan nilang mag-grow ang isa’t-isa.

Hindi naman niya ikinaila na maarte siya at minsan ay OA pero iba raw naman iyon sa nag-iinarte.

Ang madalas na impresyon daw naman sa kanya ay mahirap siyang pakisamahan na hindi raw totoo.

Lagi rin daw siyang natatanong kung bakit ang arte-arte niya.
Mas preferred din daw niya ang bahay ni Khalil over bahay ni Kuya.

Nang maurot naman siya hinggil sa wedding plans nila ni Khalil, hinanap niya ang singsing sa boyfie.

Pero, in all honesty, malayo pa raw mangyari ito dahil may mga prayoridad pa sila ng nobyo.

Ibinunyag din niya na may nakatampuhan na siyang kapuwa artista at minsan na rin siyang na-ghost.

The post Gabbi Garcia hinanap engagement ring kay Khalil Ramos first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments