Japeth Aguilar nambarako, Ginebra pinara Terrafirma

STANDING

TEAM W L

Magnolia 3 0

Ginebra 1 0

San Miguel 2 1

NLEX 2 1

Rain or Shine 1 1

NorthPort 1 1

Meralco 2 2

Converge 2 2

Phoenix 1 2

Terrafirma 1 3

TNT 0 1

Blackwater 0 2

Mga laro sa Biyernes

(Big Dome)

5 pm – Blackwater vs NorthPort

7:30 pm – Ginebra vs San Miguel

Maingay na inumpisahan ng Ginebra ang kampanya sa PBA 49 Philippine Cup elims sa bisa ng dambuhalang 101-80 win laban sa Terrafirma sa Smart Araneta Coliseum nitong Miyerkoles ng gabi.

Pasabog ng 30 points si Japeth Aguilar, ang kanyang third-best production ngayong season. Sa bisa ng kanyang pang-siyam na 30-point game ay pinantayan ni Aguilar ang kanyang 8th career-best.

Nagsumite si Scottie Thompson ng 11 points, 14 rebounds, 7 assists sa makinang na debut ng Gin Kings. Solido rin ang 14 points mula sa tatlong 3s ni RJ Abarrientos off the bench, may 10 markers pa si Stephen Holt.

Naglaro si Jeremiah Gray pero tumagal lang ng kulang 17 minutes dahil inabot muli ng knee injury bago natapos ang first half. Nagsumite si Gray ng 6 ppoints, 5 rebounds, 2 assists.

May 9 points pa si Maverick Ahanmisi na bunot din sa bench ni coach Tim Cone.

Matapos masilat sa TNT sa finals ng midseason Commissioner’s Cup noong March, nitong Holy Week na bumalik sa ensayo ang Gins.

Sa first quarter lang ay may 12 points na si Aguilar tungo sa 30-17 lead ng Gins.

Nagsalitan sina Aguilar, Abarrientos, Thompson at Holt para panatiliin sa unahan ang Ginebra sa kabila ng tangkang rally ng Dyip.

Tanging ang 14 nina rookies CJ Catapusan at 13 ni Mark Nonoy ang pumalag sa Terrafirma, laglag sa ika-10 puwesto sa 1-3.

Sa first game, sinamantala ng NLEX (2-1) ang kalawang ng TNT (0-1) para idiskaril ang tournament debut nito, 91-74.

Pinangunahan ng 13 points, 12 rebounds ni JB Bahio ang balanseng atake ng Road Warriors. May 13 markers din sina Robert Bolick at Xyrus Torres.

Maagang kinontrol ng Road Warriors ang laro, dumistansiya hanggang 91-69 lead sa final 2 minutes.

Kinalawang ang Tropang 5G sa unang salang matapos ang halos tatlong linggong pagkabakante pagkaraang talunin ang Ginebra sa Commissioner’s Cup Finals.

Tanging ang 12 points ni RR Pogoy at 11 ni Kelly Williams ang pumalag sa Tropa.

Mga iskor

Unang laro

NLEX 91 – Bahio 13, Torres 13, Bolick 13, Mocon 11, Ramirez 10, Valdez 10, Semerad 6, Nieto 5, Alas 3, Fajardo 2.

TNT 74 – Pogoy 12, Williams 11, Enciso 9, Erram 9, Nambatac 9, Oftana 8, Khobuntin 7, Aurin 4, Payawal 3, Ebona 2, Heruala 0, Varilla 0.

Quarters: 21-19, 47-35, 68-51, 91-74.

Pangalawang laro

GINEBRA 101 – J. Aguilar 30, Abarrientos 14, Thompson 11, Holt 10, Ahanmisi 9, Pinto 8, Gray 6, Rosario 5, R. Aguilar 4, Mariano 2, Adamos 2, Cu 0, Pessumal 0.

TERRAFIRMA 80 – Catapusan 14, Nonoy 13, Sangalang 12, Ramos 11, Pringle 9, Ferrer 7, Zaldivar 7, Melecio 4, Paraiso 2, Hernandez 1, Hanapi 0, Olivario 0.

Quarters: 30-17, 51-35, 75-52, 101-80. (Vladi Eduarte)

The post Japeth Aguilar nambarako, Ginebra pinara Terrafirma first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments