Aiko Melendez binaklas ang sariling poster

Tumugon agad si reelected Quezon City Councilor Aiko Melendez sa panawagan ng mga netizen na baklasin ang mga tarpaulin ng mga kumandidato nitong nakaraang eleksyon.

Ito ‘yung ginamit na materyales sa kanilang pangangampanya.

Ibinalandra ni Aiko sa kanyang IG ang vlog nito, makikitang tinatanggal nila isa-isa ang mga tarpaulin at campaign material sa lahat ng lugar sa distritong nasasakupan nito.

Sabi niya sa caption ng vlog, “Isang araw pagkatapos maproklama. Kung marunong ka magkabit, marunong ka ding dapat magtanggal. #oplanbaklas #teamAM.”

Kasama ni Aiko sa pagbaklas ay ang kanyang anak na si Marthina at ang kanyang team.

Makikitang mabusisi ang pagtatanggal dahil kinakailangan pa itong gamitan ng gunting at kutsilyo sa pagkakatali.

Delikado sa posibleng pagkasugat sa kamay ng mga baklasero, pero mapapanood namang nag-iingat din si Aiko.

Umaakyat pa ito ng ladder para abutin ang mataas na bahagi ng pinagkabitan ng tarpaulin.

Hindi lang naman si Aiko ang gumawa ng ganitong operasyon, ilan ding may nalaglag sa bilangan na sila rin mismo ang nagtanggal ng kanilang campaign materials. (Rey Pumaloy)

The post Aiko Melendez binaklas ang sariling poster first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments