BBM pinapataasan insurance sa mga pribadong sasakyan

Pag-aaralan ng gobyerno ang mungkahi na isama ang mga pribadong sasakyan sa PUV insurance system dahil na rin sa sunod-sunod na mga aksidente sa kalsada na kumitil ng maraming buhay.

Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na inatasan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Department of Transportation Secretary Vince Dizon na pag-aralang mabuti ang mungkahi para sa mas mataas na insurance coverage para sa Public Utility Vehicles.

Ito aniya ay magsisilbing karagdagang proteksiyon para sa lahat na maaaring mabiktima dahil sa kapabayaan o aksidente sa mga lansangan.

“Ipinag-utos na ng Pangulo kay DOTr Secretary Vince Dizon na pag-aralang mabuti ang proposal para sa higher insurance coverage para sa PUVs,” ani Castro.

Ang kahilingan ay isinulong ng grupong Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (Altodap) sa Pangulo upang maging patas ang benefit claims ng mga nasawi at nagkaroon ng perma¬nenteng kapansanan sa aksidente.

Sa ilalim ng umiiral na PUV insurance policy sa ilalim ng Passenger Personal Accident Insurance, ang bus at mga pasahero ay makakatanggap ng maximum na P400,000 sa bawat namatayan at P100,000 sa bawat nagtamo ng matinding pinsala.

Sinabi ng Altodap na hindi ganito ang makukuhang insurance claim sa mga pribadong sasakyan dahil ang maximum lamang na makukuha ay P200,000 at paghahati-hatian pa ito ng lahat ng biktima. (Aileen ¬Taliping)

The post BBM pinapataasan insurance sa mga pribadong sasakyan first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments