Chito Jaime nanalasa, Pasig tinimbuwang ang Paranque

Nambarako si Chito Jaime ng 19 points, 8 rebounds, 6 assists para bidahan ang Pasig na itumba ang ParaƱaque, 85-70, at kumpletuhin ang mga tambakang salpukan sa MP 1xBet 7th Maharlika Pilipinas Basketball League 2025 round robin eliminations nitong Martes ng gabi sa Olivarez College Gym.

May mahalagang bakas sa kanya na 35 pts. sina Rocky Acidre (13), Warlo James Batac (12) at Jacob Galicia (10) para sa ikalawang ragasa ng PasigueƱos at 4-5 sa panghalahatan.

Humaba pa ang semplang ng Patriots sa apat na ikinasadsad sa 1-8 sa 30-team men’s hoopfest sa kabila na pumukpok ng 42 markers ang may 16 na si James Mangahas, at may tig-13 sina Jayboy Solis at Allen Bernard Papa.

Pinagtatambakan din ng Quezon Province (9-2) ang Valenzuela (3-9) sa sipag ni Joshua Yerro na may 14 points sa apat na sinalpak na 3-pointer, 75-55.

At ang iniskor na 20 ni Levi Hernaandez ang naging bala ng Batangas (6-5) na laslasin ang Sarangani (2-10), 75-60. (Ramil Cruz)

The post Chito Jaime nanalasa, Pasig tinimbuwang ang Paranque first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments