Mga armas, gamit pandigma narekober sa bundok

Ilang armas at iba pang gamit na pandigma ang narekober kasunod ng sumiklab na engkwentro sa pagitan ng isang local armed group at tropa ng pamahalaan sa bayan ng Datu Salibo, Maguindanao del Sur noong Sabado.

Ayon kay 6th Infantry Battalion Commanding Officer, Lt Col. Al Victor Burkley, nagsasagawa ng regular na combat patrol ang kanilang tropa nang makaengkwentro ang armadong grupo bandang alas 5:00 nang hapon.

Nagsasagawa naman ng clearing operation ang militar nang bumulaga sa isang lugar ang iba’t ibang kalibre ng armas at mga kagamitang ginagamit sa digmaan.

Nakita rin ang bakas ng dugo sa lugar na isang indikasyon anila na may nasugatang miyembro mula sa panig ng kalaban.
Dagdag ng opisyal, nagpapatuloy ang kanilang pursuit operation laban sa armadong grupo.

Naka-alerto rin aniya ang kanilang mga base at pinaigting pa nila ang intelligence monitoring at checkpoint dahil sa nasabing engkuwentro. (Jun Mendoza)

The post Mga armas, gamit pandigma narekober sa bundok first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments