Shipping line owner na Quezon mayoralty bet, 4 pa kaladkad sa kasong estafa

Nagpalabas ang Batangas Regional Trial Court ng warrant laban sa ang isa sa mga nagmamay-ari ng isang shipping line company na kasalukuyang kandidato sa pagka-alkalde sa isang bayan sa Quezon kasama ang apat pang katao sa kasong P33M syndicated estafa.
Sa isang order na may petsang April 28, 2025, ipinag-utos ni Regional Trial Court-Branch 13 Judge Pamela Chavez-Izon na dalhin sa kanyang hukuman ang akusadong si Vincent Victor Reyes, kasalukuyang Barangay Pagkakaisa chairman sa bayan ng San Narciso, Quezon at mayoralty candidate sa darating na midterm elections sa May 12, 2025.
May parehong warrant of arrest din ang pinalabas ng nasabing huwes para sa kanyang mga kapwa-akusado na sina Merian na kanyang mismong ina at dalawang kapatid nito na sina Vincent Dominic at Ma. Kristina Victoria Reyes at isang nagngangalang Ramon Villapando.
Kasabay nito, kaagad ding nagbaba ng kautusan si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Aldwin Alegre, ayon na rin sa rekomendasyon ni BI-Legal Division chief Arvin Cesar Santos kaugnay sa kinaroroonan ng mga akusado.
Base sa record, ang mga akusado, bukod kay Villapando, ang nagmamay-ari ng Star Horse Shipping Lines at kilala sa pagdadala ng mga pasahero at kargamento lalo sa mga lalawigan ng Marinduque at Romblon.
Sila ay nahaharap sa kasong syndicated estafa sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code kung saan ito ay isang non-bailable offense.
Nakasaad din sa parehong kautusan ni Chavez-Izon ang kasalukuyang tinitirhan ng mga akusado sa 20 Antonio Street, Our Lady of Lourdes Subdivision, Barangay Isabang, Lucena City kung saan maaari silang matagpuan at hulihin ng mga awtoridad dala ang kopya ng warrant of arrest.
Napaulat na naibalik na umano ng mga akusado ang
P7-million mula sa naging loan ng mga ito na may kinalaman sa isang hindi nakumpletong rice deal subalit hindi ang natitira pang halagang P33-million.
Kamakailan lamang, naging usap-usapan lalo sa sports community ang paglutang ng Star Horse Shipping Line makaraang magkaroon ito ng interes na makuha ang prangkisa ng Terrfirma Dyip sa Philippine Basketball Association subalit hindi ito nagtagumpay makaraan umanong hindi nito natugunan ang financial requirements na hinihingi ng may-ari ng nasabing PBA team.
Samantala, mariing itinanggi ni Merian Reyes, ina ni Vincent Victor “Vicvic” Reyes, ang mga ulat na isinangkot ang kanyang anak sa kasong syndicated estafa.
Ayon sa kanya, isa lamang itong isyu ng pagkakautang na ngayo’y ginagamit upang siraan ang kandidatura ng kanyang anak sa nalalapit na 2025 midterm elections.
Sa panayam ng DWAR Abante Radyo 1494, kinumpirma ni Gng. Reyes na mayroong transaksyong nangyari, ngunit nilinaw niyang ito ay simpleng hiraman lamang at hindi dapat ituring na isang kasong syndicated estafa.

The post Shipping line owner na Quezon mayoralty bet, 4 pa kaladkad sa kasong estafa first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments