Ilang police community precinct o PCP ang ipasasara ni Philippine National Police (PNP) chief General Nicolas Torre III para matiyak na nag-iikot ang mga pulis.
Bahagi ito ng kampanya para paigtingin ang presensya ng mga pulis sa kalsada, ayon kay Torre.
Aniya, kung wala rin namang imbestigasyon sa PCP, dapat nasa mobile car ang mga pulis, hawak ang kanilang radyo at nagpapatrulya.
Nabatid na karaniwang nagiging tambayan lang umano ang mga PCP ng mga pulis.
Kaya para masiguro ang serbisyo publiko, kasabay ng pagpapalakas sa 911 Hotline, sinabi ni Torre na pulis na mismo ang lalapit sa mga tao na nangangailangan ng tulong.
Siniguro rin ni Torre na hindi na kailangang pumunta ang publiko sa presinto upang magreklamo dahil pulis mismo ang pupunta sa mga kabahayan.
Ayon kay Torre, magkakaroon ng 5 minutes dry run sa Metro Manila para sa 9811 Hotline at hihilingin niya ang suporta ng mga local government unit hinggil dito.
Paliwanag ni Torre, limang minute muna ang gagawin dahil pinaplantsa pa nila ang 3 minute response sa buong bansa kung kakayanin.
Ibinaba ni Torre ang direktiba sa isinagawang command conference nitong Miyerkoles, Hunyo 4.(Edwin Balasa)
The post General Torre ikakandado mga community precinct na ginagawang tambayan ng mga pulis first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments