Coco Martin hirap pataubin ni Ruru Madrid

Inintriga ng mga mahaderang kapitbahay ang IG post ni Ruru Madrid tungkol sa kanyang Kapuso seryeng “Lolong.”

Sa kanyang Instagram, nag-sign off na ang aktor at ipinahayag na natapos na nila ang kanilang last taping day.

Sa emote pa niya, sinabi niya na hindi raw birong hirap at pagsubok ang hinarap niya habang ginagawa ang serye.

Katunayan, ilang beses daw siyang na-injure sa kanyang stunts.

Gayunpaman, nagpapasalamat daw naman siya sa mga tagasubaybay na sumama sa kanyang journey.

Sobrang thankful din siya sa pagtitiwalang ibinigay sa kanya ng network na gampanan ang papel ni Lolong.

Samantala, muli na namang binuhay ng mga nagmamaldita ang pagkukumpara sa serye ni Ruru at ng kakumpetensiya niyang si Coco Martin.

Sey ng mga pa-savage, hindi raw umubra ang werpa ni Ruru kay Coco dahil agad na nagtapos ang book 2 ng serye na nagsimula lang noong Enero.

Ito ang ilang sey ng kibitzers.

“Luh pinataob na naman siya ng walang prangkisang programa ni Tanggol”

“Hindi umubra ang werpa niya kay Tanggol.”

“Hahaha ratings don’t lie.”

“Hirap talagang pataubin ni Coco.”

“Ang dami nang nagtangka pero di natitinag si Coco. Siya pa rin ang Primetime King.”

“Ang tibay talaga ni Coco. Baka abutin pa ng sampung taon ang Batang Quiapo. Hahaha.”

“Consistent talaga si Coco sa pagiging crowd drawer. After FPJ’s Ang Probinsyano, record breaking naman ang kanyang Batang Quiapo.”

“Parang pusa si Coco, ang haba ng buhay. Hahaha.”

The post Coco Martin hirap pataubin ni Ruru Madrid first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments