Mga bida ng UAAP, NCAA rarampa sa CPC Awards

Bibigyan ng nararapat na karangalan ang mga umangat atleta sa nakalipas at kasalukuyang taon sa 3rd Collegiate Press Corps Awards Night 2025 sa Hunyo 30 sa Discovery Suites Manila sa Pasig.

Mangunguna ang Collegiate Men’s Basketball Player of the Year, na may parehong karapat-dapat na mga student-athlete at personalidad smula sa katatapos na 87th UAAP 2024-25 at 100th NCAA 2024-25.

Kikilalanin na rin rin ang football sa unang pagkakataon ng grupo ng mga mamamahayag mula sa print at online sa taunang okasyon na mga ihahatid ng Philippine Sports Commission, Pilipinas Live at GMA.

Ang Collegiate Press Corps ay mula sa pinagsama noong 2022 na UAAP Press Corps at NCAA Press Corps. Sinimulang palawakin ang pagkilala ng CPC sa pagdagdag sa pinakamahuhusay na mga manlalaro ng volleyball sa unang pagkakataon din bago isinama ang Football Players of the Year ng dalawang liga sa taong ito.

Ang Collegiate Men’s Basketball Player of the Year at Collegiate Women’s Basketball Player of the Year ang dalawang pangunahing parangal sa season-ending event na mga aayudahan ng Discovery Suites, World Balance, E-Sports International, Centaur Marketing, My Daily Collagen at Buffalo’s Wings N’ Things.

Papangalanan din ang Mythical Teams ng magkabilang liga at ang mga henyong taktika sa likod ng tagumpay at kaluwalhatian ng bawat koponan bilang Coaches of the Year sa basketball at volleyball.

“Utang namin sa mga student-athlete ang patuloy na ipagmalaki ang kanilang walang tigil na pagsisikap, kasama ang mga manlalaro ng football sa spotlight sa pagkakataong ito. Ito ang aming sariling maliit na paraan para i-immortalize sila sa mga nagawa sa kani-kanilang mga paaralan at sa collegiate sports0,” esplika nitong Miyerkoles ni CPC president John Bryan Ulanday ng Philippine Star.

Panauhin at tagapagsalita sa gabi ng parangal sina UAAP executive director Rene Andrei Saguisag Jr., UAAP sports director Dolreich Perasol ng 87th UAAP host University of the Philippines at 100th NCAA management committee board chairman Hercules Callanta ng punong abalang Lyceum of the Philippines University. (Abante Tonite Sports)

The post Mga bida ng UAAP, NCAA rarampa sa CPC Awards first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments