Hindi naitago ni University of Santo Tomas Growling Tigresses standout Kent Jane Pastrana ang pananabik habang ang pangarap niya sa wakas ay makakasama na sa Gilas Pilipinas Women sa dalawang pangunahing internasyonal na torneo sa susunod na buwan.
Bahagi ang tubong Silay City, Negros Occidental ng national team pool patungong William Jones Cup sa Taipei, Taiwan, at sa FIBA (International Basketball Federation) Women’s Asia Cup sa China.
“First of all, thankful ako kay (UST) coach Haydee Ong kasi pinayagan niya ako na maglaro dito sa Gilas, and of course malaking opportunity and experience ang makukuha ko rito sa kasama ang mga beterana,” sey ni Pastrana sa panayam nitong isang araw.
Ibinahagi rin niya kung gaano kahalaga sa kanya ang pagtitiwala na ipinakita ng Gilas, lalo na pagkatapos ng mahabang panahon.
“Siguro malaking opportunity na ang tiwala nila sa akin nandiyan kahit gaano na katagal na kinukuha nila ako, inantay pa rin nila na makapaglaro ako sa Gilas,” dagdag niya.
Ang pagiging kinatawan ng bansa ay palaging isa sa pinakamalaking pangarap ng basketbolista.
“Of course, thankful ako na binigyan ako ng opportunity na makapaglaro ako dito sa Gilas kasi pangarap ko rin na makapaglaro rito, and ito na ang step na malaking opportunity na makukuha ko lalo na last playing year ko na sa UAAP,” hirit ni Pastrana.
Ipinahayag ni Gilas head coach Patrick Henry Aquino na ang kanyang pananabik sa pagsali ni Pastrana sa PH 5, at lubos ang pasasalamat sa UST na ginawang posible ito.
“Very happy ako, like Kent, of course. I’ve been eyeing her for the longest time already, and being permitted by – thank you to Coach Haydee for allowing her. Sana, mas maraming players ang dumating, especially – that’s why we’re having UAAP, for the national team,” bigkas ni Aquino.
Inaasahan niya na ang pagsasama ni Pastrana ang magbibigay inspirasyon sa higit pang mga bituin mula sa iba’t ibang mga paaralan upang tumalon sa pambansang antas.
“With that movement right now, sana mas lumaki at mas gumanda para sa UAAP. More competition, great competition coming up. Dati sasabihin puro NU lang pero now may UST, may Ateneo, may FEU, and then La Salle of course still there. Sana dumami pa ang ma-produce na players for the national team,” aniya pa. (Abante Tonite Sports)
The post Pangarap kong makalaro talaga sa Gilas ‘Pinas – Kent Pastrana first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments