Pinagbitiw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang gabinete matapos madismaya sa resulta ng midterm elections na aniya’y nagpapakitang hindi masaya ang taumbayan sa performance ng kanyang administrasyon.
May mga dating opisyal na ni-retain si PBBM at meron din namang pinakawalan. Pero nananatili ang tanong ng mga kritiko: Sapat ba ang balasahan para maibalik ang nawawala kumpiyansa ng publiko sa administrasyong Marcos?
Bago nawasak ang UniTeam ni Marcos at ng kanyang Bise Presidente Sara Duterte, maayos naman ang trust and popularity rating ni PBBM. Pero ayun nga mula nang sumiklab ang awayan nila ni Sara ay bumulusok na ang lahat.
Hindi naman natin sinasabing kasalanan lahat ng gabinete dahil malaki rin ang kinalaman ng bumahang mga paninira sa administrasyong Marcos.
Bakit nga ba nagkasira sina Sara at BBM?
Kung babalikan ang nakaraan, nagsimula ito nang magkaroon ng iringan sina House Speaker Martin Romualdez at VP Sara na nag-ugat pinagtangkaan daw ikudeta ang liderato ni Romualdez para paupuin bilang si Pampanga Rep at dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo bilang House Speaker.
Kasunod nito ay sinilip na si VP Sara at inumpisahan ito sa pagpapasingaw ng confidential fund ng Department of Education (DepEd) na hanggang ngayon ay hindi pa ipinapaliwanag ni Sara.
Tulad ng alam nating lahat, nagbitiw si Sara bilang DepEd secretary. Habang ang Office of the Vice President ay tuluyan nang tinapyasan ng budget.
But wait there’s more, hindi pa dito natapos ang sigalot dahil tuluyan nang ipinaaresto si dating Pangulong Rodrigo Duterte at dinala sa The Hague upang harapin ang kaso sa International Criminal Court(ICC).
Noong halalan, laglag ang inaasahang Alyansa ni BBM kaya ikinawing ito sa balasahan sa gabinete.
Pero ilang kritiko ng administrasyon ang hindi kuntento sa balasahan. Anila, hanggang gabinete lamang ito at sa mga appointees ng Palasyo. Hindi kasama ang itinuturo na ugat ng pagkasira ng relasyon nina BBM at Sara – si Speaker Romualdez.
Sa pagbubukas ng Kongreso, mayorya na sa mga kongresista ang nagpahayag ng pagsuporta kay Romualdez kaya malamang na mahahawakan ulit nito ang Kamara bilang House Speaker.
Naiipit sa nag-uumpugang bato si BBM dahil hindi niya kakayanin na mawala sa kanyang poder si Romualdez lalo’t isasalang na sa impeachment si VP Sara.
Pero sa ganang akin ay malabong makamit ang kanyang intensyon na magkaroon ng rekonsilasyon sa kanilang dalawa ni Sara.
Laging sinasabi ni BBM na hindi niya gustong ma-impeach si VP Sara pero wala naman siyang ginawa para pigilan ang Kamara. Kaya wala nang saysay kahit ulit-ulitin niyang ayaw niyang ma-impeach si VP Sara.
Haynako, abangan ang susunod na kabanata.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments