Isang pares ng mga first-timer ang nagpalakas ng pag-asa para sa pambihirang simula sa ICTSI Junior PGT Series, habang ang isang nakakahimok na humalo ng mga batikan at umuusbong na mga talento ang nangako sa apat na iba pang mga dibisyon sa masiglang laro sa siklab nitong Miyekoles ng Del Monte JPGT Championships sa Bukidnon.
Sa kategoryang 7-10, inagaw nina Soleil Molde ng Davao at Jamie Barnes ng Cagayan de Oro ang spotlight mula sa mga lokal, nagsalba ng rounds na 77 at 72, ayon sa pagkakasunod, sa mapanghamong Del Monte Golf Club upang ibadya ang panalo 18 holes ng dalawang araw na torneo, ang nagbukas sa apat na linggong swing ng Visayas-Mindanao.
Sumasabak sa Drive-Chip-Putt event ng JPGT circuit noong 2023 at nilalaro pa lang ang kanyang unang buong JPGT girls 18-hole tournament, ambisyon ni Molde higit na manalo sa yugto – asinta rin ng puwesto sa North vs South Elite Junior Finals sa The Country Club sa Oktubre.
“Ito ay masaya. Talagang inaasahan ko na mamuno,” sabi ng tiwala na 8-taong-gulang na homeschooler. “Isang bagay na gusto ko sa golf ay ang mga hamon nito. Sa golf, maaari ka ring makipagkaibigan sa ibang tao.” Nagkibit-balikat si Molde sa pagkatisod sa No. 17 para ipreserba ang 39-38 round at makalamang ng tatlong palo kay Francesco Geroy ng Cagayan De Oro.
Nag-bogey si Geroy ng apat na beses sa back nine para sa 80 sa course na naglalaro sa ilalim ng lift, clean at place rules dahil sa lumambot na kondisyon mula sa gabi-gabing pag-ulan. Nagtala si Claren Quiño ng 82 para sa ikatlo, habang sina Sistine Yu at local bet Maegan Langamin mga pumelo ng 86 at 87, ayon sa pagkakasunod.
Sa boys sa event na inoorganisa ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc., kuminang si Barnes sa matatag na 35-37 card tampok ang tatlong birdie laban sa tig-1 bogey, double bogey, at tinarak ang four-stroke lead laban kina Ethan Lago ng Davao at Kvan Alburo ng Cebu, na parehong tumira ng tig-76.
“This is my first time, and I really like this course,” bulalas ni Barnes, isang estudyante sa Wellington College sa Bangkok. Kahit bago sa circuit, mayroon na ang 9 na taong-gulang na 14-15 age-group titles at may humigit-kumulang 20 trophies na sa kanyang pangalan. Tinapos niya ang yugto na may makinang na chip-in birdie sa No. 14 nang makita ang bolang malapit sa bunker.
Kumumpas sa panapos na palo si Lago ng tatlong bogey, habang si Alburo ay hindi nakabawi mula sa frontside 39. Si Lucas Revilleza ng Davao nanatili sa pakikipagbuno sa 77.
Sa girls’ 11-14 class, na pinagtatalunan din sa 36 na butas, si Kimberly Baroquillo ng Davao ang naghatid ng magaspang na one-over 73 sa likod ng tatlong birdie at apat na bogey upang iposte ang two-shot lead kay Brittany Tamayo, ang nanalo sa Mactan leg ng Visayas series.
“I didn’t expect to score this good. I was playing bad lately, shooting in the 80s,” lahad ni Baroquillo, 13, na nagsalpak ng mamaw na 55-foot birdie putt sa par-3 16th para sa opening round.
Nagdadalamhati pa rin sa pagpanaw ng kanyang lolo, Rep. Reynaldo Tamayo, sinungkit niya ang 75 matapos sa malakas na 37 sa likod na siyam. Si Isabella Espina ng CDO nagtala ng 81, sinundan ng taga-Bukidnon na si Angel Wahing (84), at mga lokal na sina Yvonne Colim (90) at Ayla Pavadora (93).
May manipis na bentahe sa boys’ 11-14 division si Ken Guillermo ng CDO pagkasalpak ng two-under 70, humihinga sa batok niya si Jared Saban ng South Cotabato na may 71, pinalakas ng tatlong birdie sa huling apat na butas sa harapan. Si Marcus Dueñas ng Valencia nag-77, habang si Laurence Saban ay may 79.
“Hindi ko ine-expect na makaka-shoot ako ng two-under, but I just focused on playing the best I could,” bigkas ni Guillermo, 13, ng Xavier University-Ateneo de Cagayan. “I think I gave it my all today – sana, mas mababa pa ako bukas.”
Sa pangunahing 15-18 age group na may 54 holes, malakas na binuksan ng lokal na alas na si Alexis Nailga ang kampanya sa back-to-back wins pagkadomina sa Mactan leg. Binirdie ang ika-18 para isalba ang even-par 72 at ang two-stroke lead laban kina Armando Copok ng CDO at Nyito Tiongko ng Cebu na kapwa may 74s, samantalang may malamyang 75 si 2024 Match Play winner Clement Ordeneza.
Nanatiling abot-kamay pa sa girian sa karangalan sina Mhark Fernando III at Roman Tiongko sa rounds na 77 at 78, ayon sa pagkakasunod.
Sa girls’ 15-18 category, nagtala ang local talent na si Zero Plete ng 75 para sa tatlong palong abante, tinapos sa birdie ang huling butas sa No. 9, para makaangat kay Precious Zaragosa ng Davao na may pares ng 39 para sa 78.
“Gusto ko talagang mag-qualify sa finals – isang Ryder Cup-style event – kaya sobrang motivated ako,” dada ni Plete, na bumalik sa circuit na inoorganisa ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc. pagkatapos ng mahabang layoff. “Pumunta ako sa mas maraming fairway at manatiling matatag sa mga green.”
Nanghina si Crista Miñoza na may 42 sa likod na siyam at napadpad sa 81. Sina Venice Guillermo (88), Kenley Yu (102) at Santinna Patosa (121) ang mga kumukumpleto sa leaderboard. (Ramil Cruz)
The post Soleil Molde, Jamie Barnes maangas mga umpisa sa Del Monte JPGT first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments