2 ICC judge kinaladkad sa hirit na palayain si Rodrigo Duterte

Ipinunto ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang opinyon ng dalawang huwes ng International Criminal Court (ICC) sa hirit ng kanyang mga abogado na dapat ibasura ang mga kaso laban sa kanya at agad siyang palayain.

Ito ay dahil umano sa kabiguang makapagsimula ng pormal na imbestigasyon ang prosekusyon sa loob ng itinakdang panahon.

Sa dokumento na may petsang Hulyo 2, sinabi ng mga abogadong sina Nicholas Kaufman at Dov Jacobs na wala umanong hurisdiksiyon ang ICC sa kaso ni Duterte.

“At the end of the day, it is the Prosecution which must shoulder the responsibility for its miscalculated and, ultimately, erroneous decision not to initiate an investigation within the designated time-period,” ayon sa dokumento.

Tinukoy ng depensa ang mga dissenting opinion nina ICC Judges Perrin De Brichambaut at Gocha Lordkipanidze, na nagpahayag na dapat umaksyon agad ang prosekusyon bago pa tuluyang makaalis ang Pilipinas sa Rome Statute.

Matatandaang umalis ang Pilipinas sa Rome Statute noong Marso 2019, isang taon matapos maghain ng withdrawal ang administrasyon ni Duterte noong Marso 2018, na kasunod naman ng pagsisimula ng ICC preliminary examination noong Pebrero 2018.

Giit pa ng depensa, nagsumite lang umano ang prosekusyon ng kahilingang magsagawa ng pormal na imbestigasyon sa kampanya kontra droga noong 2021.

Binigyang-diin nito na hindi maaaring ipagpatuloy ang anumang imbestigasyon kung hindi na miyembro ang isang bansa sa panahong isinasagawa ito.

Tinukoy rin ng kampo ni Duterte kahit may layunin ang ICC na labanan ang karahasan, hindi ito dapat mangibabaw sa karapatan ng isang akusado na sumailalim sa due process. (Angelica Mallilin)

The post 2 ICC judge kinaladkad sa hirit na palayain si Rodrigo Duterte first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments