Ni-raid ng pulisya nitong Huwebes, July 24 ang HYBE, ang ahensiyang nasa likod ng K-pop superstars na BTS.
Ang pagsalakay ay may kinalaman sa umano’y fraudulent trading na kinasasangkutan ng founder nito na si Bang Si-hyuk.
Si Bang, ang utak sa likod ng BTS, ay iniimbestigahan dahil sa mga alegasyong nilinlang umano niya ang mga investor upang kumita mula sa initial public offering (IPO) ng kompanya noong 2020.
Kumita umano si Bang ng humigit-kumulang 200 bilyong won sa pamamagitan ng naturang proseso.
Ayon sa Financial Crimes Investigation Unit ng Seoul Metropolitan Police Agency, isinagawa nila ang isang search and seizure sa headquarters ng HYBE sa Yongsan District.
Ang imbestigasyon ay sa gitna ng pagtatapos ng mandatory military service ng lahat ng miyembro ng BTS at kanilang paghahanda para sa comeback sa susunod na taon. (Issa Santiago)
The post BTS founder sinalakay ng parak first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments