DOTr, TRB sinita NLEX sa baha, mga stranded motorista, pasahero

Hiningan ng paliwanag ng Department of Transportation (DOTr) at Toll Regulatory Board (TRB) ang pamunuan ng North Luzon Expressway (NLEX) Corp. sa malawakang pagbaha sa ilang bahagi ng expressway na nagresulta sa pagka-stranded ng mga motorista at pasahero.

Sa pahayag ng DOTr nitong Sabado (Hulyo 26), pinagpapaliwanag ang NLEX dahil sa matinding kalbaryo ng mga motorista bunsod ng mga pagbaha sa expressway noong Lunes, Hulyo 21.

“Base sa mga post sa social media, halos magdamag na-stranded ang ilang motorista dahil sa mga pagbaha sa bahagi ng Balintawak at Valenzuela sa NLEX noong kasagsagan ng habagat,” ayon sa DOTr.

Sa show cause order ng TRB, pinagpapaliwanag ang NLEX kung bakit hindi dapat ito patawan ng parusa dahil sa mga pagbaha lalo na’t inatasan na umano ng ahensiya ang mga toll operator noong Mayo pa lamang na paghandaan ang posibleng pagbaha ngayong panahon ng tag-ulan.

Sinabi pa sa pahayag ng DOTr na posible ring atasan ng TRB ang NLEX na magpatupad ng libreng toll fee sa mga apektadong bahagi ng expressway.

Ipinahayag naman ng NLEX na nagpadala na ito ng tugon sa TRB noong Biyernes (Hulyo 25).

The post DOTr, TRB sinita NLEX sa baha, mga stranded motorista, pasahero first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments