Gel Cayuna tinuldukan 3 taong sumpa ng Cignal sa Creamline

Mga laro sa Sabado:

(Ynares Arena Montalban)

4 pm – Chery Tiggo vs Capital1

6:30 pm – Akari vs ZUS

Tinapos ni Maria Angelica “Gel” Cayuna ang tatlong sunod na taong bangungot ng Cignal kontra Creamline, sorpresang winalis ng HD Spikers ang powerhouse Cool Smashers, 25-22, 25-18, 28-26, sa 8th Premier Volleyball League On Tour 2025 prelims nitong Martes ng gabi sa FilOil EcoOil Arena.

Naging maangas ang pamamahagi niya ng bola patunay ng 22 excellent sets sahog ang 5 points para manalo na rin ang kanyang kampo sa 10-time champion team makaraan pa ang sa 2022 Reinforceed Conference semis.

Ang senaryo’y naglagak sa Cignal sa pangkalahatang liderato o sa tuktok ng Pool B sa tatlong ratsada sa gayung daming sabak, tinabig ang kagrupong biktima sa segunda na sadsad sa 2-1 (win-loss) sa paliga ng Sports Vision Management Group, Inc.

Sa diniskarte ng 26-anyos, may taas na 5-7 setter mula sa Dapitan City, nakapanalasa ng team-high 18 pts. sa likod ng 14 attacks, tig-2 service aces at blocks si Erika Mae Santos, samantalang bakasan pa sina Ma. Rochelle “Ishie” Lalongisip at Roselyn Doria ng 15 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Unang tikim ding straight set loss ito ng mga batan ni coach Sherwin Meneses makaraan noong March 16 laban sa Chery Tiggo.

“Pinag-aralan namin kahinaan nila (Creamline) at ginamit naming kung saan kami may bentahe,” suma ni Cayuna sa 1 oras at 43 minutong hambalusan. “Maganda ang execution naming at lahat pokus.”

Kapos ang 11 markers sa Creamline ni Michele Gumabao at ang pinagsamang 17 nina Alyssa Valdez at Jema Galanza. (Elech Dawa)

The post Gel Cayuna tinuldukan 3 taong sumpa ng Cignal sa Creamline first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments