Nagpakita ng malasakit sa kapwa ang magdyowang players na sina Jacqueline “Jackie” Acuña ng Cignal sa Premier Volleyball League at Enoch Valdez ng NLEX sa Philippine Basketball Assocation.
Kapwa sila namigay ng celfone load sa mga biktima ng baha na sanhi nang mahigit isang linggong mga pag-ulan na dala ng mga bagyong Crising, Dante, Emong, Low Pressure Area at Habagat sa bansa, lalo na sa Metro Manila.
Gayunman nanawagan sila na para lang sa mga na-stranded ang kanilang palibre at huwag naman anila samanalahin ng ilan ang kanilang kabutihan dahil para lang ito sa mga tunay na mga biktima at nangangailangan ng tulong.
Ang 6-footer middle blocker na magbe-25-anyos sa Hulyo 28 na si Acuña ay produkto ng National University Lady Bulldogs. Naglalaro siya sa HD Spikers noong 2022-23 bago kinuha uli nitong 2025.
Dating Lyeum of the Philippines University Pirates si Valdez, 25, 6-2 guard-forward na kasalukuyang nasa Road warriors, humugot sa kanya sa second round, 18th overall sa nakaraang taong PBA Draft.
Ginamit ng dalawang propesyonal na atleta ang pagtulong sa kapwa sa pamamagitan ng kanilang mga social media account. (Abante Tonite Sports)
The post Jackie Acuña, Enoch Valdez namigay ng cellphone load first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments