Barangay, SK eleksiyon huwag harangin – Romulo Macalintal

Nanawagan ang election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na huwag pipirmahan ang panukalang batas na layuning ipagpaliban ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na itinakda sa Disyembre 1, 2025.

Sa ilalim ng panukala, sa halip na ituloy sa Disyembre ang BSKE ay gagawin na lamang ito sa unang Lunes ng Nobyembre 2026.

Sa ulat ng Abogado.com.ph, inilahad ni Macalintal ang kanyang mga puntos kung bakit hindi dapat ituloy ang pagpapaliban sa BSKE.

Aniya, labag ito sa Saligang Batas at salungat sa saloobin ng mamamayang Pilipino.

Kapag ginawa aniya ang halalan sa unang Lunes ng Nobyembre ay papatak ito sa All Souls’ Day, na sagrado at napakahalagang petsa sa religious tradition ng bansa.

Binanggit din niya ang naging desisyon ng Supreme Court (SC) noong 2023 sa Macalintal v. Comelec kung saan binigyang-diin ni Chief Justice Alexander Gesmundo: “[A] law changing the schedule of election is a whole different animal (that) any infringement of the right to vote must be carefully and meticulously scrutinized.”

Dagdag pa aniya rito ang pahayag ni dating Chief Justice Artemio Panganiban na ang pagpapaliban ng halalan ay isang banayad na paraan upang palawigin ang termino ng mga opisyal nang walang mandato mula sa mga botante.

Pinuna rin ni Macalintal ang paglabag ng panukala sa “one subject one title” rule ng Saligang Batas dahil naglalaman ito ng apat na magkakaibang subject o paksa tulad ng mga sumusunod: pagtatakda ng bagong termino ng mga opisyal ng barangay at SK, pagpapaliban ng December 2025 BSKE, at pagpapalawig sa termino ng mga nakaupong opisyal.

Ipinunto pa ni Macalintal na ang probisyon ng panukala para sa pananatili ng mga nakaupo o incumbent na opisyal ng barangay ay unconstitutional dahil lumalabas na isa itong “legislative appointment” na labag sa constitutional mandate kung saan ay dapat na elected at hindi appointed ang mga opisyal.

Binutata rin niya ang pangangatwiran ni Senador Imee Marcos na tinawag umano ang pagpapaliban ng BSKE na “merely incidental.”

Sabi ni Macalintal, ang karapatan sa pagboto ay “sacred right, not a `mere incident’” at binanggit nito ang SC ruling na ang anumang pagpapaliban ng halalan ay dapat na batay sa “genuine reasons and only on objective and reasonable criteria.”

Naniniwala si Macalintal na posibleng ideklara rin ang panukala na unconstitutional ng SC dahil sa kawalan ng due process tulad ng nangyari sa Republic Act No. 11935, ang batas na ipinagpaliban ang BSKE noong Disyembre 2022.

The post Barangay, SK eleksiyon huwag harangin – Romulo Macalintal first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments