Importansiya ng tungkod

Ang tungkod o cane ay naimbento bilang isang praktikal nagamit o sandata. Ginagamit ito panlakad, paghanap ng pagkain, at pati pang depensa. Mula dito naging simbolo ng kapangyarihan at awtoridad. Noong 16th at 17th century ay naging isang fashion accessory ang mga tungkod. Nagkaroondin ng mga magagarbong disenyo ang mga ito, kasama na ang paglagay ng ginto at ivory. Mas madalas dala ng mgakalalakihan. Nakikita din ang kalagayan ng tao sa kanyangkomunidad, pati ang posisyon at yaman nito. Ngunit ang pagsikat ng gamit nito ay bumaba nang maimbento ang payong. Mas ginusto nang bitbitin ito kaysa sa tungkod. Mas madalasang paggamit ng tungkod ay may kinalaman sa kapansanan. Hirap maglakad at sa pagkilos at paggalaw. Pwedeng dala ng sakit, aksidente, o operasyon.

Ngayong pagpasok ng Agosto, hindi lang simbolo ang kahalagahan ng tungkod, lalo na ang puting tungkod. Nangangahulugang mayroon kapansanan ang gumagamit nito. Ang kapansanan ay may kinalaman sa pagtingin. Maaaringbulag, malabo ang mata, o visually impaired. Nagagamit nilaang tungkod hindi dahil hirap sila makakilos, kung hindi para makapa ang kanilang paligid dahil sa hindi ito makita. Higit salahat ay ang kulay ay makikita ng mga nasa paligid namayroong kapansanan nga sa pagtingin ang gumagamit nito.

Ito ay ginagawa sa iba’t ibang bahagi ng mundo, kasama na ang Pilipinas. Mayroon tayong saligang batas, ang Republic Act 6759, ang White Cane Safety Day. Ginaganap ito tuwing ika 1 ng Agosto. Ito ay para sa kapakanan, proteksyon na pisikal, moral at social well-being ng isang may kapansanan, lalo na ang mga bulag. Nakasaad dito ang paggawa ng kampanya para saawareness ng pagkabulag at sakit at panlalabo ng mata. Kasama na dito ang pagkakaroon ng mga proyekto para sa kaalamanan at mapagbigay alam tungkol sa mata, paano maalagaan, maprotektahan at matulungan ang may kapansanan nito.

Napakahalaga ng ating mga mata at pagtingin. Kabilang ito saating mga mahahalagang senses. Alagaan natin ito. Kung may panlalabo, ipatingin sa mga Optometrists para mabigyan ng salamin kung mayroong error of refraction. Ngunit kung talagang mayroong problemang iba, nandyaan ang mgaOphthalmologists para mabigyan ng lunas sa pamamgitan ng gamot o kung kailangan maoperahan tulad na lang ng mgakatarata at ibang sakit na may kinalaman sa ating mga mata.

Hanggang sa susunod! Keep healthy! Stay safe!Remain vigilant!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kapitbahay tuwing martes10am at Health Watch tuwing ikatlong linggo ng buwan 9am saDZEC1062 at sa Health Line sa Magic 89.9 tuwing miyerkulesng 6pm) at Doc Rylan Facebook Live tuwing linggo ng 11am. Sundan sa twitter o X@rylanflores, gamitin ang hashtag na#docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mgakomentaryo at katanungan.

The post Importansiya ng tungkod first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments