Ang Korte Suprema o Supreme Court ang ating huling takbuhan sa mga usaping legal. Ito ang nagsisilbing final arbiter—huling tagahatol para maisilbi ang hustisya. Ito rin ang kinikilala nating tagapangalaga ng ating Konstitusyon.
Kaya naman nakakaalarma na dahil lamang sa isyu ng impeachment na kinakaharap ni Vice President Sara Duterte ay tila winawasak ang Korte Suprema. At higit pang nakababahala na mismong mga dating mahistrado nito na sina Antonio Carpio at Adolfo Azcuna ang nagiging kasangkapan para sirain ang institusyong dati nilang kinabibilangan.
Sina Carpio at Azcuna ay dating mahistrado ng Korte Suprema pero ngayo’y sila pa ang bumabatikos, kumokontra at gustong magbalewala sa desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang impeachment complaint laban kay Duterte. Kinokontra nina Azcuna at Carpio ang nilalaman ng inilabas na ruling at dahil dito’y nalalagay na sa kuwestyon ang kredibilidad ng buong institusyon.
Sa ginagawa nina Carpio at Azcuna, ipinamumukha nila sa publiko na walang kredibilidad ang desisyon ng 13 mahistrado na nagdesisyong labag sa Konstitusyon ang impeachment complaint laban kay Duterte.
Hindi na simpleng pagkontra lamang ang nangyayari dahil bilang mga dating mahistrado, marami rin ang kumikilala kina Azcuna at Carpio. At ngayong sinasabi nilang mali ang desisyon ng 13 mahistrado, tinaniman nila ng duda ang pag-iisip ng taumbayan. Kung sila mismong dating bahagi ng Korte Suprema ay nagsabing mali ang desisyon ay madali nang isipin ng simpleng mamamayan na baka nga mali.
Hindi natin puwedeng balewalain ang epekto ng pagkontra ng mga dating mahistrado sa desisyon ng SC. Para tuloy minantsahan nila ang magandang reputasyon ng ating kataas-taasang hukuman. Maaring hindi lamang dito sa usapin ng impeachment magduda ang publiko kundi pati sa mga ilalabas pang mga desisyon ng mga mahistrado sa mga susunod pang usapin. Dahil nga naitanim na ang binhi ng pagdududa sa pamamagitan ng mga dating mahistradong sina Azcuna at Carpio.
Nakakalungkot dahil mismong kabaro ang sumira sa mataas na pagkilala natin sa Korte Suprema.
Pero hindi naman lahat ng mga may kaalaman sa batas ay kontra sa desisyon ng Kortes Suprema dahil ang Integrated Bar of the Philippines, na pinakamalaking grupo ng mga abogado sa bansa, ay buo ang suporta sa desisyon ng kataas-taasang hukuman.
Ayon sa IBP, hindi na ito usapin sa kapangyarihan kundi isyu ng katapatan sa Konstitusyon. Ipinahayag pa ng grupo na kapag nagpatuloy ang panghihikayat sa publiko na suwayin ang desisyon ng Korte Suprema, malalagay sa peligro ang pag-iral ng batas.
Napakahalaga ng tiwala ng publiko sa ating kataas-taasang hukuman. Kung tuluyang mawawalan ng kredibilidad ang Supreme Court, sino pa ang tatakbuhan natin para pagdesisyunan ang mga isyu sa batas at sa Konstitusyon?
Dapat mag-isip-isip sina Azcuna at Carpio sa nililikha nilang problema para sa Korte Suprema. Kailangang maawat ang tila pagpapaimpluwensya ng dalawang dating mahistrado sa pulitika. Sa halip ay sagipin nila ang reputasyon ng institusyong dati nilang kinabibilangan.
Kapag tuluyang bumagsak ang kredibilidad ng Korte Suprema, mag-iiwan ito ng malalang epekto sa legal system ng bansa. Hindi na paniniwalaan ang mga inilalabas na desisyon ng mga korte, dadami ang mga kukuwestyon sa judicial authority at maaapektuhan ang separation of powers.
Sa nangyayari ngayon, hindi na ang impeachment ni Sara Duterte ang isyu sa halip ay ang Korte Suprema na unti-unting nagkakalamat at nanganganib na tuluyang magiba. Kung may dalawang mahistrado na hindi isinasaalang-alang ang kahalagahan ng integridad ng institusyong kanilang dating kinabibilangan, nasa atin na ang solusyon para sagipin ang ating kataas-taasang hukuman.
Igalang natin ang desisyon ng Korte Suprema.
The post ‘Wag wasakin ang Korte Suprema first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments