Metro Manila, 14 pang probinsya walang pasok sa iskul, opisina ngayong August 26 – DILG

Inanunsiyo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na walang pasok sa mga paaralan at opisina ng gobyerno ngayong Martes, Agosto 26, sa National Capital Region (NCR) at 14 pang lalawigan dahil sa inaasahang masamang lagay ng panahon.

Sa Facebook post ng DILG, inihayag na walang pasok sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan.

Kasama rin sa walang pasok ang mga tanggapan ng gobyerno sa NCR at 14 na lalawigan.

Bukod sa Metro Manila, tinukoy ng DILG ang mga lalawigan na sakop ng anunsiyo at kabilang dito ang mga sumusunod: Aurora, Quezon, Rizal, Laguna, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Catanduanes, Masbate, Northern Samar, Eastern Samar, Leyte, at Southern Leyte.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), apektado ng low pressure area (LPA) ang maraming lugar sa bansa.

Huling namataan ang LPA na nasa 130 kilometro silangan hilagang-silangan ng Borongan City, Eastern Samar bandang alas-singko ng hapon nitong Lunes, Agosto 25. (Joshua Miranda/Angelika Cabral)

The post Metro Manila, 14 pang probinsya walang pasok sa iskul, opisina ngayong August 26 – DILG first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments