BIR bubusisiin mga imported na tsekot ni Sarah Discaya

Magkakasa ng imbestigasyon ang Bureau of Customs (BOC) sa 40 mga mamahaling sasakyan na pag-aari ng pamilya ni Sara Discaya.

Kasunod ito ng panayam kay Discaya sa isang vlog kung saan isa-isa nitong ipinakita ang magagarang sasakyan na kanilang pag-aari.

Ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, bubusisiin ng BOC ang consignee ng nasabing mga sasakyan para malaman ng ahensiya kung may paglabag sa panuntunan o sa pag-import ng mga ito.

Kabilang si Discaya sa mainit na pinag-uusapan sa gitna ng isyu ng mga palpak at maanomalyang flood control projects sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Siya rin ang nagmamay-ari ng ilang kompanyang pinangalanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kabilang sa Top 15 na nakakuha ng maraming kontrata sa flood control projects. (Ryan Reloban)

The post BIR bubusisiin mga imported na tsekot ni Sarah Discaya first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments