Food security emergency, pinababawi

Nanawagan sa pamahalaan ang Federation of Free Farmers (FFF) para bawiin na ang deklarasyon ng food security emergency na inilabas ng Department of Agriculture (DA) noong Pebrero 3, matapos tumaas ang presyo ng bigas at lumobo ang food inflation.

Giit ni FFF President Leonie Montemayor sa panayam sa programang “Walang Atrasan” ng DWAR Abante Radyo, wala nang sapat na basehan para ideklara ang naturang emergency dahil bago pa man ito iproklama, bumaba na ng hanggang 15% ang presyo ng bigas sa merkado.

Dagdag pa niya, noong Hulyo 2024 pa ibinaba ang taripa sa imported rice sa ilalim ng Executive Order No. 62, kasabay ng pagbaba ng presyo sa pandaigdigang merkado.

“Kasi in the first place, at that time, wala naman talagang emergency… Nasaan po ang extraordinary world increase? Wala na po at that time,” ani Montemayor.

Pinunto pa ng FFF na posibleng ang tunay na dahilan ng deklarasyon ay ang pagdagsa ng buffer stock na pumuno sa mga bodega ng National Food Authority (NFA).

“Hindi sila makapamili ng mga bagong aning palay kasi saan nila iimbak ‘yung bagong palay? They had to unload, otherwise dadami ‘yung palay nila o bigas nila na na-deteriorate o nabubulok,” dagdag niya.

Ayon pa sa grupo, ito rin ang dahilan kung bakit sinimulan ang pagbebenta ng P20 kada kilo na bigas, hindi dahil sa kakulangan ng suplay, kundi para maubos ang nakaimbak na bigas ng NFA. (Angelika Cabral)

The post Food security emergency, pinababawi first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments