Sa angas ni Shaila Omipon, pinalakas ng University of Perpetual Help System DALTA ang paghahabol sa semifinals nang yanigin ang Ateneo de Manila University, 25-16, 30-28, 25-19, sa 4th V-League Women’s Collegiate Challenge prelims nitong Linggo ng hapon sa Paco Arena Events and Sports Center sa Maynila.
Semplang sa five-set laban sa Colegio De San Juan De Letran noong Agosto 23, nagpakita ng napapanahong galing sina Shaila Omipon at Geraldine Palacio para makumpleto ang isang epikong pagbawi sa second frame, sinelyuhan ang isang mahalagang tagumpay, at pinanatiling buo pa ang pag-asa sa playoff sa walong koponang torneo na inoorganisa ng Sports Vision Management Group, Inc.
Nagposte si Omipon sa pagbibida sa atake ng Lady Altas nsa 11 puntos mula sa siyam na atake at dalawang ace, sahog pa ang 11 mahusay na pagdepensa at pitong mahusay na pagtanggap.
Sa panalong ito, umangat ang Perpetual sa 2-3 (win-loss) record, isang laro lang ang layo sa Letran (2-2) para sa ikaapat na puwesto, at tinabig ang karibal sa 0-3.
“Ito ay tungkol sa malakas na puso. Lagi kong sinasabi sa kanila na huwag bibigay kahit anong mangyari. Manalo o matalo, ang mahalaga, lalaban at lalaban kami, na siyang nangyari sa laro at sa ikalawang set,” suma ni UPHSD coach Sandy Rieta.
Sa second frame, malapit nang maitabla ng Ateneo ang laban nang ang block ni Dona De Leon at ang attack error ni Charisse Enrico ang nagbigay ng 24-20 bentahe sa Blue Eagles.
Pero biglang lumakas ang Perpetual sa tamang sandali, nalampasan ang walong set point ng Ateneo sa mahabang ikalawang stanza.
Sunod-sunod na pagkakamali nina Gena Hora at Faye Nisperos, kasama ang pagtanggi ni Palacio kay Ana Hermosura, ang kumumpleto sa kahanga-hangang pagbawi ng Las Piñas-based squad, na nagbigay sa kanila ng dalawang set na kalamangan.
Naranasan ng Perpetual ang pasok-balik na simula ng third set, binago ang 13-all na tabla sa isang mahalagang 17-13 na kalamangan sa likod ng sunud-sunod na ace mula kay Omipon.
Naging mapagpasiya ang pagtakbo na iyon dahil sa down-the-line kill ni Pauline Reyes, cutshot ni Omipon, at sunud-sunod na pagkakamali ni Nisperos na nagbigay ng panalo sa Lady Altas laban sa Quezon City-based squad sa loob lang ng 88 minuto.
Nakatapos si Palacio na may siyam na puntos mula sa apat na block, tatlong ace, at dalawang attack, habang sina Jernalyn Menor at Reyes ay nag-ambag ng tigwalong mga puntos.
Kapos ang tigpitong puntos nina Charisse Enrico at Nisperos para sa ADMU, maging ang 16 na mahuhusay na set kasama ang tatlong puntos ni Nicolette Gaa. (Ramil Cruz)
The post Shaila Omipon, Perpetual Help sorpresang winalis ang Ateneo first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments