Tinamaan ng hand, foot and mouth disease sumirit sa 37,368 na kaso

Sumipa ang mga kaso ng hand, foot and mouth disease o HFMD kung saan, pitong beses na mas mataas ngayong taon kumpara noong 2024, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH) nitong Sabado, Agosto 23.

Base sa datos ng DOH, na nakalap hanggang nitong Agosto 9, pumalo na sa 37,368 ang mga kaso ng HFMD.

“Mas mataas ito ng higit pitong beses kumpara sa 5,081 na kaso sa parehong panahon noong 2024,” ayon sa DOH.

Mga batang edad isa hanggang tatlong taong gulang ang kalahati sa mga naitalang kaso.

Ayon sa DOH, ang HFMD ay isang nakahahawang sakit na maaaring makuha kung humawak sa mata, ilong, o bibig gamit ang kamay na nahawakan ang bagay na kontaminado ng virus.

Kabilang sa mga sintomas nito ang lagnat, singaw sa bibig, pananakit ng lalamunan, at mga butlig sa palad at talampakan.

Payo ng DOH, sakaling magkaroon ng mga sintomas ang isang bata ay panatilihin muna ito sa bahay sa loob ng pito hanggang 10 araw o hanggang sa panahong mawala ang lagnat at matuyo na ang mga sugat.

“Mahalaga rin na ihiwalay ang mga kubyertos at iba pang personal na kagamitan ng taong may sakit na HFMD at linisin ang lugar kung saan sila nanatili gamit ang disinfectant,” sabi ng DOH.

The post Tinamaan ng hand, foot and mouth disease sumirit sa 37,368 na kaso first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments