425 bank account inipit ng AMLC: P180B binuhos sa mga Discaya contractor firm

Naglabas ng freeze order ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) laban sa 425 bank accounts na binuhusan ng halos P180 bilyong kabuuang halaga sa loob ng nakalipas na siyam na taon at lahat konektado sa apat na contractor na pag-aari ng mga binansagang flood control “king and queen” na sina Curlee at Sarah Discaya.

Base sa ulat ng Bilyonaryo.com, apat na construction firm ng mga Discaya ang nakatanggap ng milyon-milyong mga deposito mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) mula 2016 hanggang 2025.

Napuna rin umano ng AMLC na pumasok ang malalaking deposito sa mga nabanggit na kompanya sa panahon ng administrasyong Duterte.

Kabilang sa mga construction firm na konektado sa mga Discaya at nakatanggap umano ng malaking deposito ay ang mga sumusunod: St. Gerrard Construction (P70.53 bilyon), St. Timothy Construction (P48.3 bilyon), Alpha & Omega General Contractor (P45 bilyon), at St. Matthew General Contractor (P16.482 bilyon).

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, inamin ni Sarah na nagsimula ang kanilang mga construction firm sa paggawa ng mga flood control project noong 2016.

“AMLC said the volume and pattern of activity—tens of billions reportedly originating from regional and district DPWH offices, plus frequent inter-account transfers among the respondents’ accounts—suggest an elaborate scheme to obscure the true sources and destinations of funds, including the possible commingling of proceeds from ghost or substandard flood-control projects to evade early detection,” ayon sa Bilyonaryo.

Napansin din umano sa mga nasabing bank account ang mga hindi pangkaraniwang bilang ng labas-masok ng mga pera (deposit at withdrawals) na ayon sa AMLC ay tumutugma sa modus na itago ang pinanggalingan ng mga pondo at kung saan napupunta ang mga ito.

Sa datos ng AMLC na nakuha ng Bilyonaryo, mayroong 228 bank accounts ang St. Gerrard (na ipinangalan umano sa anak ng mga Discaya) at isa ito sa binuhusan ng malaking halaga na umabot ng P70.53 bilyon.

“The DPWH alone accounted for P29.864 billion from 2014 to 2025, with peaks of P4.638 billion (2017) and P4.503 billion (2014). Net deposits were cited at P10.653 billion after withdrawals,” saad ng Bilyonaryo.

May 77 bank account umano ang St. Timothy na itinatag noong 2014 gamit ang P3.93 milyong paid-in capital at nakapangalan sa pamangkin ni Curlee na si Roma Angelie D. Rimando.

Nagtala umano ng 9,975 na mga transaksiyon ang St. Timothy at ang pinakamalaki ay umabot ng P571.55 milyon. Napuna rin umano ng AMLC na lumobo ang pagpasok ng pera sa bank account ng kompanya ng mahigit 115,000% mula 2016 hanggang 2019. Nanggaling umano sa DPWH ang 80% ng pondong pumasok sa kompanya o P38.65 bilyon.

Mayroong 76 bank account naman ang Alpha & Omega na itinatag noon lang 2014 at nagtala ng P45 bilyong cash inflow at outflow. Nasa 86% umano ng pondo ay mula sa DPWH na nagkakahalaga ng P38.672 bilyon. Ayon sa AMLC, paunti-unting pumapasok sa account ang pera mula sa DPWH at pumalo ito sa halagang P7 bilyon noong 2022, o 16,000% na pagtaas sa loob lamang ng tatlong taon (2016–2019).

Nakalkal naman ang 46 accounts ng St. Matthew na may P18.798 bilyon na mga transaksiyon at P16.482 bilyon dito ay galing sa DPWH.

Bukod sa mga nabanggit na kompanya, hawak din ng mga Discaya ang lima pang ibang construction firm na kasama sa freeze order ng AMLC. Kabilang dito ang Great Pacific Builders and General Contractor, Amethyst Horizon Builders, Elite General Contractor, YPR Gen. Contractor and Construction Supply, at Waymaker General Contractor.

Sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee, ibinunyag ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na kabuuang P207 bilyon ang nakuhang mga proyekto ng mga Discaya mula 2016 hanggang 2025. Mahigit kalahati umano ng mga proyektong nakuha ng mga Discaya ay sa ilalim ng administrasyong Duterte.

The post 425 bank account inipit ng AMLC: P180B binuhos sa mga Discaya contractor firm first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments