Angel Aquino nasuka, imbudo sa pekeng video

Nakakasuka at nakakagalit! Ganito ang naramdaman ni Angel Aquino nang matuklasan niyang naging biktima siya ng malaswang pekeng video, ayon sa kaniyang pahayag sa Senado nitong Huwebes.

Ayon sa kanya, ilang araw bago ang pagdinig ng Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality, nalaman niya mula sa isang kaibigan na may video online na ginamit ang mukha niya sa malaswang content.

“My reaction was both internal and physical. I felt ill, nauseated, confused, and stunned in the beginning. Then, it was disgust and anger for being violated as a person in a revolting and humiliating way,” ayon kay Aquino.

Dagdag pa niya, “I mean, I think any one of us, kung makita natin ‘yung mukha natin na nasa isang p8rn video, I don’t know how you’d feel, but it’s really nakakabastos. Hindi mo alam kung anong mararamdaman mo, hindi mo alam kung sinong kakausapin mo about it.”

Aniya, hindi lang siya ang biktima. Marami pang mga personalidad sa loob at labas ng showbiz, kabilang ang mga inosenteng kababaihan, ang hindi alam na ginamit na rin ang kanilang mukha sa mga kaparehong video.

Hiling niya sa mga awtoridad, kailangan ng mabilisang aksyon laban sa mga gumagawa at nagbabahagi ng deepfake material, pati na rin sa mga website na nagho-host nito. Binanggit din niya na ang mga kumikita sa ganitong content ay dapat ding panagutin, dahil lumalaki ang pinsala sa biktima sa bawat share at view.

Post naman ni Sen. Risa Hontiveros sa kanyang FB page, ‘
“Tumawag sa HOTLINE 1326 kung may mga kaso ng deepfake at AI-generated scam o online abuse, at iba pang klase ng CYBERCRIME.” (Louise Cabral)

The post Angel Aquino nasuka, imbudo sa pekeng video first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments