Sasandalan ng ZUS Coffee ang US NCAA standout na si Anna DeBeer sa misyong bagong kasaysayan ng prangkisa pagsabak sa 8th Premier Volleyball League 2025 Reinforced Conference sa Oktubre.
Tumibay ang Thunderbellessa pagdating ng outside hitter sa asintang maging balanse ang mga bata at beterenang manlalaro na magtatangkang itala ang bagong record ng koponan na makaabot finals sa unang pagkakataon sa paliga ng Sports Vision Management Group, Inc.
Ipinahayag ng koponan nitong isang ang pagtapik sa 5-foot-11 American spiker na huling pumalo sa Indy Ignite sa Major Volleyball League na kanyang unang propesyonal play pagkatapos ng kolehiyo sa University of Louisville.
“Pumirma na ang US NCAA Division I volleybelle na si Anna DeBeer para sa ZUS Coffee Thunderbelles para sa parating na 2025 PVL Reinforced Conference,” post ng team sa kanilang Facebook page.
“Ang outside hitter, na dating bumagay sa University of Louisville at Indy Ignite, makikisanib-puwersa kina Jovelyn Gonzaga, AC Miner, Thea Gagate, at Chinnie Arroyo habang aasintahin nila ang pinakamahusay na pagtatapos ng kampo sa kasaysayan ng franchise,” dagdag ng pa ng team.
Naghatid si DeBeer ng 172 puntos para sa Indy Ignite, na binuo ng 148 na pag-atake, 17 block, kasama ang pitong ace, at 110 dig.
Inaasahang malaking tulong siya siya kina Gagate, Arroyo, Miner, Gonzaga, at Clo Mondoñedo sa nalalapit na kompetisyon. (Lito Oredo)
The post Anna DeBeer totodo ang paglagok para sa ZUS Cofee Thunderbelles first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments