Maglalabas ng show-cause order o SCO ang Commission on Elections (Comelec) sa isang contractor na campaign donor ni Senador Francis “Chiz” Escudero.
Kaugnay ito sa P30 milyong donasyon umano ni Centerways Construction and Development Inc. president Lawrence Lubiano para sa 2022 senatorial campaign ni Escudero na ayon sa Comelec, mahigpit na ipinagbabawal ng batas.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, hihingan nila ng paliwanag si Lubiano sa campaign donation kay Escudero kung bakit hindi siya maaaring kasuhan ng paglabag sa Section 95 ng Omnibus Election Code.
“We will issue a SCO…requiring him to explain if indeed, ina-admit niya `yung P30 million na donation and to explain why he should not be charged by the Comelec with an election offense as this is prohibited donation under Section 95,” pahayag ni Garcia sa panayam ng mga reporter sa Senado nitong Miyerkoles, Setyembre 10.
Ilalabas ng Comelec ang SCO ngayong Huwebes, Setyembre 11.
Inamin ni Lubiano sa pagdinig ng Kamara de Representantes na nagbigay siya ng P30 milyon para sa senatorial campaign ni Escudero noong 2022. Subalit sabi niya, galing iyon sa kanyang sariling bulsa.
Una nang inamin ni Escudero na kaibigan niya si Lubiano at kinumpirmang isa ito sa kanyang mga campaign donor nang tumakbo sa senatorial elections noong 2022. Subalit hindi umano siya namagitan sa negosyo at kontrata ni Lubiano sa pamahalaan.
52 contractor pa sinisilip
Inihayag naman ni Garcia kanilang sinisiyasat ang 52 contractor na nagbigay ng donasyon sa kampanya ng mga kandidato noong May 2022 elections.
“Fifty-two [contractors] po `yun. Forty-three plus may nakita pa kaming siyam na para sa local officials — governors and vice governors,” pahayag ni Garcia. “We found out na ‘yung 43 contractors ay nagbigay sa pitong kandidato for national, meaning, senators and legislative district congressmen, at labinlima naman na nabigyan na political parties and party-list groups.”
“Dito sa nakita naman namin para sa 9 pa construction firms, ang nabigyan naman ay 2 kandidato for governor at 2 kandidato for vice governor,” dagdag pa ni Garcia.
Ayon kay Garcia, kailangan sertipikahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kung may kontrata sa gobyerno ang mga nasabing contractor bago ang paghahain ng kandidatura ng sinuportahang kandidato o pagkatapos ng halalan.
“Pagkatapos po na maibigay sa amin [ng DPWH] ang certification ay susulatan na natin, ipapa-show-cause namin lahat ng mga contractor. At after ma-show cause namin ang contractors, ipapa-show cause naman namin ang mga kandidato na binigyan, nakinabang doon sa donations or contributions,” ayon kay Garcia.
“Kasi mahirap naman po kaagad mag-conclude na porke’t construction firm ay public works kaagad `yan. Puwede po kasi na nasa private ang kanilang kliyente and therefore allowed po sila. Ang bawal naman po talaga magbigay lang ay government contractors,” paliwanag pa ng Comelec chief. (Dindo Matining)
The post Centerways-Lawrence Lubiano pipigain ng Comelec sa P30M donasyon kay Chiz Escudero first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments