JC de Vera sinita ng anak sa babae

Masasabing favorite leading lady ni JC Santos si Bela Padilla.

Ilang beses na rin kasi silang nagsama sa mga pelikula .

Ani JC, gamay na raw niya ang pakikipagtrabaho kay Bela na bukod sa magaling na aktres ay isang talentadong scriptwriter.

Hirit pa niya, kahit ilang beses na silang nagkapareha, hindi raw sila nagkaroon ng pagkakataon na ma-develop sa isa’t-isa.

Paliwanag niya, ayaw raw kasi niyang haluan ng personal ang kanilang trabaho ni Bela dahil baka masira ang kanilang pagkakaibigan.

Dagdag pa niya, wala rin daw kasing pagkakataon na maging extra chummy-chummy sila sa isa’t-isa.

Sey pa niya, never din daw naman siyang tinablan sa kanyang mga naging leading ladies sa pelikula o serye.

Naniniwala rin kasi siyang trabaho lang ang kanyang ginagawa at anumang role na ipino-portray niya ay taliwas sa kanyang tunay na persona.

Gayunpaman, hindi naman niya ikinaila na sinisita siya ng kanyang anak na si River Aletheia pagdating sa kanyang mga leading ladies.

Kapag napapanood daw nito ang kanyang kapareha sa TV, pinagsasabihan daw siya nitong huwag mag-cheat sa kanyang mommy.

(Archie Liao)

The post JC de Vera sinita ng anak sa babae first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments