Hotshots pa rin! Zav Lucero pinatos 2-year extension

MANANATILI si Zavier Lucero sa Magnolia.

Natapos ang paghihintay ng Fil-Am forward, naikasa na ang panibagong two-year contract niya sa Hotshots, natuludukan na rin ang mga naglalabasang haka-haka na tatalon na sa ibang liga abroad si Lucero.

Nag-post ng picture sa Instagram ang team, kasama ni Lucero sa pirmahan ang agent niyang si Marvin Espiritu, head coach LA Tenorio at team manager Alvin Patrimonio.

“Re-signed and renewed!” caption ng Magnolia sa larawan.

Naging mahalagang piyesa ng Magnolia si 6-foot-6 Lucero sa kampanya nitong nagdaang Season 49, habang nakikipag-negosasyon sa panibagong deal, walang palya pa rin daw si Zav sa pakikipag-ensayo sa team.

No. 5 pick overall ng NorthPort noong 2023, trinade sa Hotshots si Lucero nitong nakaraang season para kina guard Jio Jalalon at big man Abu Tratter, sa ilalim ng bagong coach na si Tenorio, solido na ang frontcourt ng Hotshots kina Lucero at Ian Sangalang sa papasok na Season 50.

Napaypayan ang tsismis ng pagtalon ni Lucero abroad nang pagkatapos ng nakaraang season ay kumalas sa Hotshots ang teammate niyang si Will Navarro para maglaro sa Busan KCC Egis sa Korean Basketball League. (Vladi Eduarte)

The post Hotshots pa rin! Zav Lucero pinatos 2-year extension first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments