Abangers pa rin ang marami kung matutupad talaga ang campaign promise ng Pangulo na kalaunan, makakabili na talagaang mga Pinoy ng P20 kada kilong bigas sa buong Pilipinas.
Sa ngayon kasi, may mga patikim na ang Presidente sa Bohol, Davao region at Bacoor, Cavite ng ilunsad nya ang “BentengBigas Meron Na” program kung saan P20/kilo ang bentangbigas sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries, senior citizens, solo parents, persons with disabilities at minimum wage earners.
At ngayong buwan sabi ng Department of Agriculture, P20/kilo na lang din ang bigas sa tricycle at jeepney drivers ng NavotasCity.
Sa totoo lang, iba kasi talaga ‘pag bigas na ang pinag-usapan.
Pagsirit ang presyo nito, taas din ng BP ng maraming Pilipino lalo’t mayorya, dinedeklarang “kanin is life”!
Eh paano na tayo kapag nagka-rice shortage?
Pero sa tingin ko, bukod sa presyo ng bigas at dami ng suplaynito, dapat ding pansinin kung bawat butil ba ng naluluto natingkanin ay talagang nakakain natin o napupunta lang yung iba sabasurahan?
Kasi, lumalabas sa 2018 Expanded National Nutrition Survey ng Department of Science and Technology (DOST) na bigas, gulayat karne ang pinaka-nasasayang nating pagkain.
Katumbas nyan yung mga natatapon din nating pinaghirapangpera para mabli ang mga iyan.
Ayon naman sa Philippine Rice Research Institute (PhilRice) nanag-aral sa rice consumption natin mula 1995 hanggang 2009, dalawang kutsarang kanin kada araw ang nasasayang ng bawatPilipino. Ang katumbas nito, 12% ng bayad natin sa imported rice, o P7.2B na pangkain ng 2.5M katao.
Kung ganito, maganda talagang sundin ang pakiusap ng DA natuwing kakain, kumuha muna half-cup rice at sundan na lang ng panibagong salin kung bitin ka pa.
Sa ganitong estilo, mas iwas na tayo sa natatapong kanin.
Maganda ring umpisahan ang disiplinang ito sa mga bata para maging mas responsable rin sila sa pagkuha ng pagkain.
Dahil sa true rin, kapag sobra-sobra nang kanin, nagiging close rin sa mga sakit gaya ng diabetes, hypertension at mataas nacholesterol.
Ikaw, ilang tasang kanin ang bet mo?
The post Ilang tasang kanin ang bet mo? first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments