Bulto ng 19-year career ni LA Tenorio sa PBA, nasa ilalim siya ni coach Tim Cone.
Walong kampeonato ang tinuhog nila mula 2010 Fiesta Conference sa Alaska hanggang 2022-23 Commissioner’s Cup sa Ginebra.
Pagkatapos ng Season 49, naghiwalay ng landas ang dalawa – napunta si Tenorio sa Magnolia bilang head coach.
Umpisa sa Philippine Cup ng Season 50, babanggain na ng dating court general ng Gins ang kanyang mentor na winningest coach ng liga.
Mag-iiba ang kulay ng Manila Clasico ng Magnolia at Ginebra.
Wala pang inilalabas na iskedyul ng season-opening all-Filipino pero marami na ang nag-aabang sa susunod na edisyon ng Clasico.
Ayaw pa munang pangunahan ni LA ang laro.
“Hindi ko alam ang magiging feeling,” aniya sa 2025 PBA Draft, ang una niyang official business bilang coach. “But in the end, it’s just ordinary. Just a game that I have to coach the team.”
Lalabas at lalabas ang mga natutunan ni Tenorio kay Cone, pero pipilitin ng premier playmaker na kumawala sa anino ng dating coach.
“Hindi natin maiiwasan na madala, not really ‘yung sistema but the attitude towards the game,” dagdag ni LA. “Kasi iba naman ‘yung composition ng team ko sa composition ng team namin with coach Tim. I’ll just have to do the system or the culture na gusto ko ibigay sa team based sa tao na meron ako.” (Vladi Eduarte)
The post LA Tenorio hindi pa masabi feeling sa ‘Manila Clasico’ first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments