Pagkatapos ng 15 taon, nagpasya ang do-it-all forward na si Sean Anthony na tuluyan nang magretiro sa propesyonal na basketball.
Sa isang post sa LinkedIn, ibinahagi ng dating manlalaro ng NLEX na tinanggihan niya ang isang kontratang inaalok ng Road Warriors nang matuklasan na may kanser ang kanyang anak.
“Pitong buwan na ang lumipas, at matapos ang 6 na round ng immunotherapy at chemotherapy, lubos akong nagpapasalamat na masasabing wala na ang kanser ng aking anak,” litanya sa Ingles ng 39-anyos, at 6-foot-4 ang taas na basketbolista na naglaro sa Philippine Basketball Association sa taong 2010-25.
Ngayon, karamihan sa oras ni Anthony ay ginugugol niya kasama ang kanyang pamilya sa Vancouver, Canada upang ipagpatuloy ang pagsubaybay pagkatapos ng paggamot sa kanyang anak.
Kilala sa kanyang katatagan at walang tigil na pagpupursige sa court, gagamitin gayonn ni Anthony ang kanyang lakas bilang Senior Consultant para sa isang nangungunang accounting firm.
“Nakuha ko ang aking MBA (masteral degree) dahil gusto kong maging lider para sa iba pang manlalaro sa PBA – upang ipakita na maaari tayong mag-aral habang nasa karera natin at matagumpay na makapag-transition sa buhay pagkatapos ng basketball,” hirit niya.
Naglaro para sa walong koponan sa buong karera niya sa Philippine Basketball Association, nagpahayag din ng pag-asa na makapagbigay-buhay sa komunidad ng basketball kapag tuluyan nang naayos ang kanyang pamilya sa Canada.
Ilan sa mga nakuha nikyang karangalan sa PBA ay ang 2019 Mythical First Team/Defensive Player of the Year/All-Defensive Team, 2016 Mythical Second Team, at 2011 All-Rookie Team/PBA All-Star Weekend Blitz Game co-MVP. (Abante Tonite Sports)
The post Sean Anthony nagbabu tapos ng 15 taong dribol first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments