Walang awa at epektibong sinimulan ng mga top seed na sina Alberto “AJ” Lim Jr. at Eric Jed Olivarez ang mga kampanya para sa inaasahang malaking labanan sa unang Gentry National Tennis Open Championships sa mga court ng Colegio San Agustin sa San Jose Del Monte, Bulacan nitong katapusan ng linggo.
Ni-love set ni Lim, ang No. 1 seed at isang palaging malakas sa lokal tennis, si Patrick Paumar, 6-0, 6-0. Hindi binigyan ng pagkakataon nang nanalo kamakailan sa PCA Open, ang karibal makapalag tungo sa pagtakda sng duelo sa second round kay Richard Bautista, na nagtala ng walkover win kay Philippe Coteron.
Hindi magpapatalo, ginaya ni second seed Olivarez ang pagiging dominante ni Lim sa pamamagitan din ng parehong 6-0, 6-0 pagsbak kay Kian Sanchez. Haharapin niya si John Christopher Sonsona, na nagpakita ng katatagan sa pagdaig kay Carlos Austria, 4-6, 6-2, 6-2, sa ibabang bahagi ng 64-player draw.
Ang pinakamahalagang kaganasan, na nagtatampok ng record-breaking na P2 milyon sa kabuuang premyo, kabilang ang P300,000 para sa kampeon ng men’s singles, nakakuha ng ilan sa pinakamahusay at pinakagutom na mga talento sa bansa, na ginagawang isa sa pinakamakumpitensyang edisyon ito sa kamakailang memorya.
Habang inaasahan na ng mga eksperto ang isa pang klasikong laban kina Lim at Olivarez – isang tunggali na naging tampok sa maraming lokal na Open tournaments – ilang umuusbong na bituin at batikang manlalaro ang nagpakitang handa silang sumali sa rambulan.
Kabilang sa mga umabante na may kahanga-hangang panalo sina John Benedict Aguilar, na tinalo si Hilbert San Jose, 6-4, 6-2, at John Kendrick Bona, na wagi kay Nash Agustines, 6-4, 6-1. Tinalo ni Ronard Joven si Sammie Quiño, 6-1, 6-0, habang binugbog naman ni Nilo Ledama si Kean Enriquez, 6-2, 6-0.
Si Loucas Fernandez, Alexis Acabo, Elvin Geluz, Charles Kinaadman, Kenzo Brodeth, at Eric Jay Tangub mga sumulong din na may kumbinsido ring mga panalo, na nagpapakita ng lalim at potensyal ng larangan.
Sa partikular, ang 6-0, 6-0 na panalo ni Kinaadman laban kay John Rey Moreno at ang 6-1, 6-3 na tagumpay ni Brodeth laban kay Jose Bernardo ang nagbigay-babala sa kanilang kakayahang umabot sa malalim na yugto at posibleng mapigilan ang inaasahang pagtatapos nina Lim at Olivarez. (Abante Tonite Sports)
The post AJ lim, Jed Olivarez ni-love set ang magkaibang karibal first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments