Boying Remulla: `Ex-congressman ikakanta korapsiyon sa baha’

Isang dating congressman sa Quezon City ang nakahandang lumantad at ibunyag ang lahat ng kanyang nalalaman tungkol sa mga maanomalyang flood control project, ayon kay Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla nitong Miyerkoles, Oktubre 22.

Hindi pa pinangalanan ni Remulla ang dating mambabatas na nakahanda umanong magsalita tungkol sa flood control scam at pangalanan kung sino-sino ang mga nasa likod ng korapsiyon. Hindi rin sinabi ni Remulla kung saang distrito ng Quezon City ito naging kongresista.

Ayon kay Remulla, isang kaibigan ang tumawag sa kanya Miyerkoles ng umaga at ipinabatid ang pagnanais umano ng dating kongresista na tumestigo sa flood control scam sa Quezon City.

“Nakatanggap rin ako ng tawag, very early in the morning, isang kaibigan ko, parang siyang go-between sa isang congressman from Quezon City who wants to tell all,” sabi ni Remulla sa isang press conference.

“Sasabihin niya iyong involvement niya sa lahat na nangyayari, at saka kung paano nangyayari lahat ‘yan,” ayon pa sa kanya.

The post Boying Remulla: `Ex-congressman ikakanta korapsiyon sa baha’ first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments