Jonnel Policarpio nilagot 5-taon ‘sumpa’ ng NLEX kontra SMB

Walang Robert Bolick sa lineup, nagtulungan sina Jonnel Policarpio, Kevin Alas at JB Bahio para balikatin ang NLEX sa sorpresang 85-84 win laban sa defending champion San Miguel Beer sa PBA 50 Philippine Cup nitong Miyerkoles ng gabi sa Ynares Center-Antipolo.

Namatay ang ama ni Bolick kaya hindi naglaro.

Ayon kay chief statistician Fidel Mangonon III, ito ang unang panalo ng Road Warriors sa Beermen sapul nang itakbo ang 124-90 rout noong 2020 Clark bubble.

Tumabas si sophomore Policarpio ng team-high 16 points, 12 dito sa second half. Naka-16 markers din si Brandon Ramirez na sinahugan ng 6 boards, 3 assists habang nakikipagbuno kay San Miguel center June Mar Fajardo sa paint.

Nagsumite si Alas ng 13 points, 5 rebounds, 1 assist, 2 steals.

Humarabas ng double-double na 12 points, 12 rebounds si Bahio para kumpletuhin ang balikwas ng Road Warriors mula 56-43 pagkaiwan sa third quarter.

Abante ang NLEX 85-80 sa pares ng free throws ni Bahio, mabilis na ibinaon ni Don Trollano ang step-back 4-ball para idikit sa isa, 11 seconds na lang.

Walang naipasok sa sumunod na dalawang charities si Bahio, dinamba ni Mar Fajardo ang rebound at nagkaroon ng huling tsansa ang Beermen sa final 9 seconds.

Kaya lang, nauwi sa turnover ang huling posesyon ng SMB sa buzzer.

Nawalan ng saysay ang 18 points, 15 rebounds, 4 assists ni Fajardo at 17 points ni Trollano. May 12 points si Jericho Cruz.

Sa unang sultada, pasabog ng career-high 41 points si Calvin Abueva at maingay na inumpisahan ng bagong team na Titan Ultra ang kampanya sa bisa ng 100-96 win laban sa Meralco.

Naka-5 lang sa first quarter ang The Beast, ibinuhos ang 36 niya pagkatapos tampok ang 16 sa third quarter. Lumamang hanggang 19 ang Giant Risers bago sinalag ang matinding fightback ng Bolts.

Umayuda ng 14 points si Joshua Munzon, may 10 si Cade Flores off the bench.

“Lahat kami excited, eh,” ani Abueva, 14 of 27 sa field at 9/10 sa stripe. “Excited kaming maglaro ng first game, and ‘yun nga naibigay namin itong laro na ‘to at naibubuhos namin ‘yung depensa.”

Nanguna sa Meralco ang 22 points ni CJ Cansino, 14 dito sa final period. Tumapos ng 10 pataas sina Raymond Almazan, Bong Quinto at Brandon Bates. (Vladi Eduarte)

The post Jonnel Policarpio nilagot 5-taon ‘sumpa’ ng NLEX kontra SMB first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments