Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang kaso laban kay Edgar Erice, na layong idiskuwalipika sa kanyang pagtakbo bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Caloocan City sa 2025 congressional elections.
Binaligtad ng SC ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na nagdiskuwalipika kay Erice dahil umano sa paglabag sa Omnibus Election Code (OEC).
Saad ng SC, batay ang diskuwalipikasyon sa Seksyon 261(z)(11) ng OEC na nagbabawal sa pagpapakalat ng mali o nakakaalarmang impormasyon tungkol sa pag-imprenta ng balota, pagpapaliban ng halalan, o pangkalahatang pagsasagawa ng mga eleksiyon, kapag nilayon na guluhin ng mga pahayag ang proseso ng halalan.
Nag-ugat ang kaso sa mga pahayag ni Erice sa mga panayam sa media noong Abril 2024. Sinabi niya na hindi kailanman ginamit ang mga automated counting machine mula sa Miru Systems sa anumang halalan sa buong mundo. Kinuwestiyon din niya ang P18 bilyong kontrata sa pagitan ng Comelec at Miru, na sinasabing niloko ang bidding, at mayroon siyang ebidensiya ng mga offshore account na naka-link sa mga opisyal ng komisyon, kabilang si Chairman George Erwin Garcia.
Ayon sa SC, walang bisa ang diskuwalipikasyon dahil wala pang hatol mula sa korte na nagsasabing nagkasala si Erice sa ilalim ng OEC. Giit pa ng SC na hindi maaaring ang Comelec mismo ang manghusga at magdiskuwalipika.
Dagdag pa ng SC, hindi kabilang ang pagbabawal sa pagpapakalat ng mali o nakakaalarmang impormasyon sa mga batayan para sa diskuwalipikasyon sa ilalim ng Seksyon 68 ng OEC. (Prince Golez)
The post SC binutata Comelec, Cong Edgar Erice inabsuwelto sa DQ case first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments