Infra project diskarte binoldyak sa Kamara: DBM-Amenah Pangandaman nabuking werpa sa lipat-budget

Mayroon umanong special provision sa 2026 General Appropriations Bill (GAB) na maaaring gawing “backdoor” upang magamit ang unprogrammed appropriations (UA) sa mga infrastructure project.

Sa isang press conference nitong Martes, Oktubre 14, ibinunyag ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio na bagamat inalis na ng Kamara de Representantes ang pondo sa ilalim ng UA para sa imprastraktura mayroon umanong probisyon na nagbibigay ng kapangyarihan sa tanggapan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman para lagyan ito ng pondo.

Paliwanag ni Tinio, ang UA sa ilalim ng 2026 National Expenditure Program (NEP) ay may kabuuang halaga na P280 bilyon. Sa halagang ito P80 bilyon ang nasa ilalim ng Strengthening Assistance for Government Infrastructure Program (SAGIP).

Nang alisin umano ng Kamara ang pondo ng SAGIP ang natira ay nasa P45 bilyon.

“So ang dating wala ng infrastructure, ang dating parang ayuda na lang itong P45 billion,” sabi ni Tinio. “The impression is pang-ayuda na lang ito, kung kailangan ng ayuda at may excess revenue puwedeng gamitin para sa dagdag na ayuda ng gobyerno.”

Kung susuriin umanong mabuti, sinabi ni Tinio na sa P45 bilyong natira, P40 bilyon ang inilaan para sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) at P4.9 bilyon para sa Capital Outlay (CO).

“Para saan ba ang capital outlay, pang infra among others. So puwede pa ring gamitin ito for infrastructure projects,” paliwanag ni Tinio.

“Ngayon sasabihin P5 billion na lang `yan, maliit na lang `yan. True, pero merong probisyon sa unprogrammed appropriations na nagpapahintulot sa DBM na dagdagan ito ng kahit magkano mula sa ibang mga pondo ng unprogrammed appropriations,” dagdag pa ni Tinio.

Sa ilalim ng Special Provision No. 9 ng Amounts Under the Unprogrammed Appropriations, sinabi ni Tinio na mayroong kapangyarihan ang DBM na ilipat-lipat ang pondo na nasa ilalim ng UA.

“So ang punto natin bagaman…. parang winawasiwas ng House na tinanggal na `yung infrastructure projects from unprogrammed appropriations actually may backdoor pa rin dito kung gusto nila ay puwedeng kargahan pa rin ng infrastructure projects ang unprogrammed appropriations and agad presidente ang may say dito, dahil ayon sa batas basta lump sum appropriations presidente ang nag-a-approve,” sabi ng kongresista.

Ayon kay Tinio, noong 2023 at 2024 nasa 3,700 infrastructure projects na nagkakahalaga ng P214.4 bilyon ang napondohan gamit ang UA. (Billy Begas)

The post Infra project diskarte binoldyak sa Kamara: DBM-Amenah Pangandaman nabuking werpa sa lipat-budget first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments