Sa kabila ng hindi pagkakaroon ng mataas na lineup, umasa ang Arellano University sa pagsisikap ni T-Mc Ongotan upang manalasa sa 101st NCAA Seniors Basketball Tournament elims sa nakaraang linggo.
Naging pambihira ang paglalaro niya sa nakaraang tatlong salang, na nag-average ng 18 points, 3.3 steals, 5.3 rebounds, at 4.3 assists para makuha nitong Lunes ang parangal ng Collegiate Press Corps NCAA Player of the Week na hatid ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Oktubre 13-19.
Sa pagbalikat ni Ongotan, nag-2-1 panalo-talong talaan sa huling pitong araw, ang AU, na pinangunahan ng isang hindi inaasahang tagumpay laban sa College of Saint Benilde, isang karibal sa kampeonato, noong Linggo.
Sa kabila ng 84-73 na pagkatalo sa Emilio Aguinaldo College mas maaga sa linggong nagdaan, lumaban pa rin ang Sorsogon pride sa kanyang 13-point performance, kasama ang anim na steal, tatlong rebound, at tatlong steal.
Ang pagkatalong iyon ang nagpasiklab sa senior ng Arellano, na nagtala ng kanyang career-high 28 pts., kasama ang apat na steal at tatlong rebound, upang putulin ang tatlong sunod-sunod na panalo ng Benilde, 72-67.
“Sa bawat laro [ang aking diskarte ay] walang bukas, sa bawat laro gusto kong ibigay ang aking pinakamahusay, hindi ko na iisipin ang aking katawan, basta gagawin ko ang lahat para manalo,” dada ni Ongotan matapos magtala ng career-high laban sa Blazers sa kabila ng kanyang nasugatang bukung-bukong.
“Nang huling laro, natalo kami, tapos nagkagulo pa kami, pagkatapos ng laro, nag-away pa kami at hindi kami nagkakaintindihan. Kaya sabi namin, kailangan manalo sa bawat laro, kaya kaming mga kasama ko sa koponan at ako, lalo pang nagiging sabik at gutom sa panalo,” dagdag niya.
Sa isa pang tagumpay laban sa isang gutom na koponan ng Lyceum, pinigilan ni Ongotan ang Pirates na makapasok sa win column nang magtsumite ng triple-double – 13 pts., 10 rebs., at 10 assist – isang bihirang statistical feat sa liga.
Si Ongotan ang ikatlong manlalaro lamang sa nakalipas na tatlong taon na nagtala ng triple-double, kasama sina John Abis, na nakamit din ang parangal noong Season 98, at si Bong Quinto ng Letran noong 2018. Pinuri rin ng punong taktiko ng Arellano ang puso at pamumuno ni Ongotan.
Siya ‘yung nakikipag-usap sa mga kasama niya sa koponan. Pakiramdam niya naman na hindi ko kayang gawin lahat, na kailangan natin ng team, na pamilya tayo. Kailangan nating maglaro bilang isang koponan, at bilang buo, ayun nag-translate naman,” hirit niya.
Mula sa 1-2 na panalo-talong talaan sa unang linggo ng NCAA, umangat ang Chiefs sa 3-3 na posisyon sa Group A, sa likod ng mga nangungunang koponan sa grupo na Perpetual (5-1) at Mapua (3-2).
Nanguna si Ongotan laban kay Janti Miller ng San Beda, Titing Manalili ng Letran, John Abis ng Perpetual Help, at Wilmar Oftana ng EAC para sa parangal na mga sinuportahan ng Discovery Suites at Buffalo Wings N’ Things, na binoto at pinag-isipang mabuti ng mga manunulat sa print at online na sumasaklaw sa collegiate sports beat. (Abante Tonite Sports)
The post T-Mc Ongotan sakalam pumukpok sa pagragasa ng Arellano University first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments