Arthur Pantino namayagpag, pinagretiro si Alberto Lim Jr.

Niladlad ni Arthur Craig Pantino ang katapangan sa pagbawi mula sa bingit ng pagkatalo upang bulagain si top seed Alberto “AJ” Lim Jr. sa isang dramatikong wakas ng Gentry National Tennis Open Championships, 2-6, 5-7, 6-4, 3-1(ret.), noong Linggo sa mga court ng Colegio San Agustin sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Ang tagumpay ni Pantino ay patunay sa katatagan at kuwento ng pagtitiis niya. Sa pagharap sa mainit na si Lim, na pumasok sa finals na may malaking panalo at dati nang tinalo siya sa quarterfinals sa kamakailang PCA Open, pero tumangging sumuko si Pantino, nagsumikap nang husto kahit nalubog sa dalawang set, at nalampasan ang bagyo laban sa paboritong si Lim.

Matatag na tinapos ang lingo, unang ginulantang ni Pantino si No. 7 seed Nilo Ledama, 6-4, 6-1, sa quarterfinals, at pagkatapos ay bumawi mula sa isang set down para gulatin din si second seed Eric Jed Olivarez, 4-6, 6-4, 6-2, sa semis.

Isa sa dalawang “special exempt” na manlalaro sa P2 milyong torneo, si Pantino ang nagwagi ng unang premyong P300,000 sa kaganapang iniharap ng Great Wall Motor Philippines at sinuportahan ng Gentry Timepieces sa pamamagitan ni Hayb Anzures.

Si Lim, na nagwagi sa kanyang mga laban sa sariling bracket sa pamamagitan ng dominadong panalo laban kay Thai ace Tanakorn Srirat, 6-1, 6-2, at kay ninth seed Charles Kinaadman, 6-4, 7-6(3), tila handa na para sa isa pang titulo siya bago pinigil ng pagod at pulikat sa pagtatangka.

Tinapos ni Tenniele Madis ang dalawang linggong pagdomina sa pamamagitan ng walang awang 6-2, 6-0 demolisyon sa kapareha sa doubles na si Stefi Aludo upang makuha ang kampeonato sa women’s singles at ang P100,000.

Sa women’s doubles ng kaganapan na idinaos sa pakikipagtulungan ng Palawan Pawnshop National Tennis Championships, nagsanib puwersa sina Madis at Aludo upang talunin sina Elizabeth Abarquez at Rovie Baulete, 6-1, 6-3, habang sina Alexis Acabo at Ronard Joven ang wagi sa men’s doubles title, tinalo sina Charles Kinaadman at Olivarez, 6-1, 7-6(5).

Kinopo ng University of the East ang titulo ng National Inte-School Men’s Team Championship laban sa Letran, habang nangibabaw ang Ateneo sa women’s collegiate division. Ang UE ang humagip ng titulo sa kalalakihan sa kolehiyo, kung saan si John Benedict Agular ang nagwagi sa singles. Nagtambal sina Aguilar Mark Palanas para walisin ang men’s collegiate doubles.

Sa Legends division, sina Gee Abacan at Mark Alcoseba ang nagkamit ng 30s crown, kung saan nakipagtambal si Abacan pagkaraan kay Ken Salvo para makuha rin ang 40s trophy. Kinopo nina Aldrin Geluz at Renell Crescino ang 50s diadem, at sina Aldrin Geluz at Crescini ang mga nanalo isa 50s championship.

Umayuda sa torneo ang Hiessence, Purse Maison, Mobile Cart, Primoshine, Sole Avenue, PDAX, Darling’s Fine Jewels, Luxetrust by Amethyst, The Watch Reserve, Guapo Car Care Solutions, Dunlop at ICON. (Abante Tonite Sports)

The post Arthur Pantino namayagpag, pinagretiro si Alberto Lim Jr. first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments