Vince Dizon gigisahin mga DPWH exec sa classroom project

Nais ng MalacaƱang na managot ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagpabaya sa proyekto ng pagpapatayo ng mga silid-aralan sa bansa matapos mabunyag na 22 classrooms lang ang natapos ngayong taon.

Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na kumilos na si DPWH Secretary Vince Dizon para alamin kung bakit naantala ang pagpapatayo ng mga silid-aralan para sa Department of Education (DepEd).

Aalamin aniya ni Dizon kung bakit napabayaan ang proyekto at kung sino ang mga dapat managot.

“Kung mayroong dapat managot dito, bakit napabayaan po ito, asahan natin na may mananagot,” ani Castro.

Ipinag-utos na aniya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na agad tugunan ang kakulangan sa mga silid-aralan at gumawa ng catch-up plans upang mabawasan ang backlog.

Natuklasan sa pagdinig ng Senado na 22 silid-aralan lamang ang nagawa ng DPWH para sa DepEd ngayong 2025 kaya iniutos ni Pangulong Marcos na idiretso na sa mga local government unit ang pondo para masigurong magagawa ang proyekto. (Aileen Taliping)

The post Vince Dizon gigisahin mga DPWH exec sa classroom project first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments