VP Sara Duterte, Claire Castro bardagulan sa `kuwentong ICI’

Binuweltahan ng Malacañang ang pahayag ni Vice President Sara Duterte kaugnay ng ginagawang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).

Sa isang press conference nitong Sabado, Oktubre 18, sa kanyang pagbisita sa Manaoag, Pangasinan, sinabi ni Duterte na kaya naman umano ng Office of the President ang mag-imbestiga sa mga infrastructure project.

Binuo lamang aniya ang ICI para gawing lehitimo ang umano’y kuwento na nais ipalabas ng pamahalaan.

Mariing kinontra ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro ang pahayag ni Duterte.

“Kaawa-awa ang mga taong parte ng gobyerno pero hindi nakakatulong sa gobyerno at sa bayan. Kaawa-awa ang taong naturingang public servant puro haka-haka lang ang sinasabi para makapanira sa gobyerno,” pahayag ni Castro.

Dagdag pa niya, tila wala ring ibang alam si Duterte sa pagbibigay ng tunay na ebidensiya at walang halaga ang kanya umanong gawa-gawang kuwento.

“Ano ba ang alam ng Bise Presidente sa pag-present ng mga tunay na ebidensiya at hindi mga peke at gawa-gawa lang? Ang mga tahi-tahi n`yang kuwento ay walang halaga. Hindi na dapat intindihin pa,” sabi ni Castro.

Kinuwestiyon din ni Castro ang motibo ni Duterte sa umano’y paninira sa ICI at iginiit ang kredibilidad ng komisyon at ng mga miyembro nito.

“Ang tanong: ‘May kinatatakutan ba siyang mabunyag sa ginagawang pag-iimbestiga kaya pilit niyang sinisiraan ang integridad ng ICI?’. Tandaan natin ang mga miyembro po ng ICI ay puro experts at may integridad at wala ng politiko rito,” ani Castro.

Paliwanag naman ni Duterte, tila layunin ng ICI na gawing opisyal na kuwento ang imbestigasyon, lalo na’t hindi alam ng publiko ang eksaktong pinag-uusapan sa loob ng komisyon.

Matatandaang sinabi na dati pa ni ICI Executive Director Brian Hosaka na iniiwasan ng komisyon ang “trial by publicity” at pangamba na magamit ito sa political agenda, kaya’t hindi naka-livestream ang kanilang mga pagdinig. (Angelika Cabral)

The post VP Sara Duterte, Claire Castro bardagulan sa `kuwentong ICI’ first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments