Maraming nagsasabi na bago palang sumisikat ang AshDres loveteam ay pinaghiwalay na agad sila ng project.
“Hindi naman sa pinaghihiwalay kasi magkasama pa rin naman kami sa ibang project ,eh. Siguro need namin pa rin gumawa ng project na hindi magkasama para makapag -explore at ma-enhance pa rin po namin ‘yung craft namin ,” paliwanag ni Ashtine.
Na miss ba ni Ashtine si Andres na hindi kasama sa bago niyang movie?
“Oo naman, na-miss ko siya. Kahapon lang magkasama kami tapos ngayon pagpasok ko ng tent sabi ko ‘ay wala pala si Andres dito’
Miss na ba niya si Andres?
“Miss lang kasi, kasama ko naman siya kahapon at magkasama rin kami bukas,” dagdag pa ng aktres.
May balak ba silang mag -movie date ni Andres para mapanood ang pelikula niyang ito?
“Busy po siya ,eh. Pero sinabi n’ya sa akin na excited daw siyang panoorin ang movie ko na ito,” natatawang sambit ni Ashtine.(Allan Sancon)
The post Ashtine Olviga na-miss si Andres Muhlach first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments