Tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na nagsasagawa na ang pamahalaan ng mga hakbang para mapababa ang mataas na pamasahe sa domestic flights, kasunod ng mga reklamo na mas mura pa umanong bumiyahe sa ibang bansa kaysa sa ilang lokal na destinasyon.
Sa isang pahayag ng DOTr at Civil Aeronautics Board (CAB), ipinaliwanag nila ang ilang dahilan sa mataas na presyo ng tiket sa eroplano. Isa rito ang laki ng eroplano at ang bilang ng pasaherong kayang isakay nito.
“Kung malaki ang eroplano at maraming puwedeng isakay dito, mas kayang ibaba ang presyo ng tiket ng bawat pasahero, sapagkat mas maraming pasahero ang pagkukunan ng kita,” ayon sa pahayag ng dalawang ahensiya.
Ipinunto rin nila na limitado ang ilang paliparan tulad ng Catarman, Siargao, Antique, at Busuanga sa maliliit na eroplano dahil sa maikling runway. Tinutugunan na umano ito ng DOTr at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa pamamagitan ng pagpapahaba ng runway upang makapagserbisyo sa malalaking eroplano.
“Ang proyektong ito ay naisakatuparan na sa airport ng Antique, samantalang ang ganitong proyekto sa Busuanga airport ay matatapos na rin. Isusunod na rin ang iba pang mga airport sa bansa,” dagdag pa nila.
Bukod dito, tinutulungan din umano ng DOTr at CAAP ang ilang maliliit na paliparan upang maging “night capable,” o magamit araw at gabi, para mas dumami ang flights at makatulong sa pagpapababa ng pamasahe.
Patuloy namang binabantayan ng DOTr, sa pamamagitan ng CAB, ang kabuuang pamasahe ng mga airline, lalo na sa domestic routes tulad ng Manila-Catarman, upang matiyak na nananatiling patas at makatwiran ang singil sa mga pasahero. (Angelika Cabral/Ryan Reloban)
The post DOTr tatapyasan pasahe sa mga domestic flight first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments