Fifi Sharma, Akari dehins sasantuhin Choco Mucho

Mga laro sa Sabado (FilOil Playtime Centre)

4 p.m. – Galeries Tower vs Cignal

6:30 p.m. – Akari vs Choco Mucho

Gaya Choco Mucho at dalawang iba pa, nasa kukote ni Fifi Sharma at tropa sa Akari ang masigabong simula sa siklab ngayong Sabado ng 9th Premier Volleyball League 2026 All-Filipino Conference.

Kahambalusan ni dating Alas’Pinas 5-foot-11 middle blocker Sharma at mga kasangga sa Chargers sa alas-6:30 ng gabi ang Choco Mucho na ipaparada ang mga nagbabalik na sina Eya Laure at Sisi Rondina.

Toka magsagupa sa alas-4:00 ng hapon ang gigiyahan nina veteran Aiza Pontillas, holdovers Julia Coronel ng Alas, 2025 second overall rookie pick Jean Asis, new coach Clarence Esteban na Galeries Tower at Cignal na ibibida nina 2025 PVL On Tour MVP Erika Santos at malakas pumalong Vanie Gandler.

Makakatuwang ni Sharma sa kanilang halos buong nakaraang taong roster sina Ivy Lacsina, Ced Domingo, Eli Soyud, Justine Jazareno, at Mars Alba, na pinapanatili ang pundasyon ng isang yunit na nasubok na sa labanan.
Kahit nawala sina Ezra Madrigal, Victoria, Cams Victoria at Erika Raagas, pinalakas naman ang Akari ng lalim sa pamamagitan ng mga role player na sina Cza Carandang, Jyne Sorreno, Judith Abil, at Rhose Dapol, na lahat ay handang mag-ambag kapag tinawag.

Ang torneo ang panimulang komperensya ng liga na inoorganisa ng Sports Vision Management Group, Inc. (Abante Tonite Sports)

The post Fifi Sharma, Akari dehins sasantuhin Choco Mucho first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments