Hindi naitago ni Cherry Ann “Sisi” Rondina ang maluha makaraang maging opisyal ang pagpirma ni Ejiya “Eya” Laure sa Choco Mucho sa muling pagsasama sa isang team nila mula non sa University of Santo Tomas.
Umiiyak na tumugon si Rondina sa social media nitong Huwebes ilang sandali pagkabunyag sa Bagong Taon ng Flying Titans sa paglambat kay Laure at tatlong iba pa mula sa binuwag na Chery Tiggo.
Nagdulot din iyon ng sunud-sunod na emosyonal na reaksyon mula sa mga tagahanga na nagdiwang sa matagal nang inaasahang muling pagsasama ng dalawang pambato noon sa kolehyo ng Growling Tigresses.
Balik sa Premier Volleyball League si Laure mula sa isang taong pahinga, kasamang papalo na sa Choco Mucho sina Caitlin Viray, at Alina Bicar na mula rin sa UST, at si Jaila Atienza.
Kilalang malakas ang quartet sa España-based squad noon nina Rondina, Laure, Viray at Bicar. (Fastbreak)
The post Sisi Rondina iyak kay Eya Laure kahit Bagong Taon first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments