Karapatan ng ‘Pinas sa Scarboroug hindi mabubura – Goitia

Kahit balutin sa magagandang salita, hindi napapalitan ang batas, at lalong hindi mabubura ng China ang karapatan ng Pilipinas na kinikilala ng kasaysayan at ng pandaigdigang batas, ayon kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia.

Sa mga nagdaang araw, sunod-sunod na ulat mula sa mga media na malapit sa estado ng China ang naglalarawan sa Beijing bilang tagapangalaga ng Scarborough Shoal, habang ang mga mangingisdang Pilipino at presensya ng Pilipinas ang problema.

“Diretso na tayo. Ang Scarborough Shoal ay malinaw na nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas. Hindi ito opinyon o palagay. Pinagtibay ito ng arbitral ruling noong 2016,” giit ni Goitia.
“Hindi nababago ng magagandang salita ang legal na katotohanan,” ani Goitia. “Hindi mo puwedeng tawaging pangangalaga ang isang bagay na wala kang karapatan.”
“Hindi pumasok ang ating mga mangingisda bilang mga lumalabag,” sabi ni Goitia. “Ito ang dagat na kinalakihan nila at dito sila naghanapbuhay.”

Ang Palawan ay malinaw na bahagi ng Pilipinas, kinikilala ng pandaigdigang komunidad at pinamamahalaan ng bansa sa mahabang panahon. Walang seryosong historyador, legal na iskolar, o internasyonal na institusyon ang kumikilala sa ganitong kathang-isip.

The post Karapatan ng ‘Pinas sa Scarboroug hindi mabubura – Goitia first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments