Sigaw ni Ogie Diaz : MMFF P350M pa lang ang kinita

Bukelya na ang kinahinatnan sa takilya ng walong pelikulang kasali sa Metro Manila Filmfest 2025.

Ibinuking ito ni Ogie Diaz sa social media kahapon.

Wala pa raw sa kalahating milyon ang pinagsama-samang kita sa mga sinehan ng walong pelikula sa loob ng anim na araw ng festival, from December 25 to 30.

May hawak na “resibo” si Ogie kaya matapang ito na inanunsyo niya ang amount ng gross total sa takilya ng walong entries sa MMFF 2025.

Umabot lamang umano ito sa P350,802,000 ang gross total box office result ng lahat na mga pelikulang kalahok.

Ang top grosser ay ang pelikulang “Call Me Mother” ni Vice Ganda na nakakuha ng P186,395,000 na kita sa takilya.

Sumunod daw ang “Shake, Rattle & Roll Evil Origins” na kumita ng P66,540,000. Pangatlo ang “Bar Boys, After School” na pumalo sa takilya sa halagang P25,886,000.

Pang-apat, “UnMarry” na may kita sa box-office na P25,640,000. Pang-lima ang pelikula nina Dustin Yu, Bianca de Vera at Will Ashley na “Love You So Bad” with P18,980,000 ticket sales.

And the rest of the last three films, hindi raw lalampas sa P26M ang pinagsama-samang kita nila sa takilya.

Hopefully, sinipag ang moviegoers na manoood sa mga sinehan noong December 31 and January 1 at nadagdagan ang kita ng mga pelikulang kasali sa MMFF 2025.
Bukas ang panig ng pamumuan ng MMFF sa ibinalitang figure na kinita umano ng nasabing festival.
(Julie Bonifacio-Gaspar)

The post Sigaw ni Ogie Diaz : MMFF P350M pa lang ang kinita first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments